SIMULA

1.3K 31 2
                                    

"BOOM! Taba-taba! Boom! Taba-taba! Tabatchoy! Tabatchoy! Boom! Boom! Boom! HAHAHAHAHAHA!"

Napa yuko nalang ang batang babae sa pambubully sakanya ng ibang mga bata. Kahit kelan hindi lumaban ang batang babae sa pambubully nila dahil iyon ang turo sakanya nang kanyang ina.

Naka upo siya ngayon sa isang kubo kung saan palagi niyang pinupuntahan dahil sa ganda ng tanawin dito at napaka tahimik, ngunit hindi ganun ka-tahimik ang pananatili niya dto dahil binubully nanaman sya ng kanyang mga kamag aral.

Mailap sa ibang tao ang batang babae lalong lalo na sa mga kalalakihan. Maliban nalang sa kanyang ama, tyuhin at mga pinsang lalaki.

'Kelan ba nila ako titigilan?' sa isip isip ng batang babae. Gaya nga ng sabi ng kanyang inay, hindi nya nalang ito pinansin at itinuon ang atensyon sa kanyang masarap na pagkain na hinanda ng kanyang ama.

Isa siyang simpleng batang babae na may kaputian at may malamang panga-ngatawan. Oo malaman siya, kaya parati nalang siya binubully.

Sa idad na siyam, malalaki na ang kanyang hita at braso. Idag-dag mo pa ang kanyang matatambok na pisngi.

Naaninag niya namang lumapit sakanya ang isang kaibigan ni jasper na si Kristian, sila palagi ang nang aabuso sa batang babae. Kinuha niya ang pag kain nito at itinapon.

Dahil likas na iyakin ang batang babae, umiyak ito ng malakas kaya muling napa hagalpak ng tawa ang grupo ni jasper.

"Ba-kit m-mo gi-nawa y-yon Kristian? " umiiyak na tanong ng batang babae sa batang lalaking tunapon nang kanya g pagkain.

"Iyakin ka talaga kahit kelan Valencia baboy! HAHAHAHA"

Asar ni jasper sa batang nag nga ngalang Valencia.

Iyak lang nang iyak ang batang si Valencia, pinag titinginan na sila ngunit walang gustong mangialam at umawat dahil Isang sikat na bully ang grupo ni jasper. Natatakot ang mga kamag aral nito na baka pag inawat nila ang grupo, ay sila naman ang pag initan.

"Nanay! Tatay! " hagul gol nang batang si Valencia na siyang namamayani sa nag tatawanang grupo ni jasfer.

Hanggang sa...

"Ey! Anong ginagawa niyo kay Valencia, ha?!"

Agad namang napalingon ang grupo ni jasper sa isang batang lalaking papalapit sa pwesto nila, makikita sa mga mata nang batang lalaking bagong dating ang pag aalala para sa batang babae na si Valencia.

Agad na tumakbo ang batang si Valencia papalapit sa bagong dating na batang lalaki, agad na yumakap ang batang si Valencia at tahimik na umiyak sa dibdib nito

"Ano bang pakialam mo oner? Nag pipiling-piling matapang ka nanaman para maipag tanggol mo itong prinsesa mong baboy! HAHAHAHAHAHAHA"

Pang aasar na sabi ni jasper sa batang nag ngangalang Oner.

Ang nag iisang kaibigan ng batang babae

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon