Chapter 2.

32 6 0
                                    

CHAPTER II.

Cleosra's POV.

Year 2083. The Future.

"Argh!" Pagkagising ko ay biglang sumakit ang ulo ko.

T-Teka nasaan ako?!

"Hello ate!!" halos himatayin ako sa gulat ng may nakita akong hindi pamilyar na mukha na nakatabi saakin.

Asan si Kuya Wave?! Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong nakitang Kuya Wave sa paligid.

"S-Sino ka?" tanong ko sa babae.

"Hellooo, ako po si Vivian! Meron po akong pinsan na parang Kuya ko na rin Mikael po ang pangalan nya pero mas gusto nyang Kael ang tawag sakanya hahaha" tawa nito.

Tumango nalang ako dito at nilibot uli ng tingin ang paligid.

"A-Asan ako? Saang lugar to?" tanong ko pa sa babae.

"Hmm.. Wala ka po ba talagang natatandaan?" tanong nito.

Umiling lang ako.

"Nasa Hideout po kayo namin ni Kuya. May mga bad villains kasi minsan sa labas kaya nagtatago kami rito"  sabi pa nito.

Biglang nag-flashback lahat ng nangyari bago ako mapunta dito.

Flashback ⟨

Napaupo ako sa lakas ng pagtama ng espada ng kalaban namin.

"CLEOSRA! TUMAKBO KA NA! SUSUNOD AKO! BILISAN MO ILIGTAS MO ANG SARILI MO." sigaw sakin ni Kuya wave.

Kaya tumakbo ako ng abot sa makakaya ko.

*BOOGSH*

end of flashback ⟩

K-Kuya...

Napaiyak ako dahil hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Kuya Wave.

"S-Sorry Kuya Wave.."

Nagulat ako nang maramdaman ko ang Pagtapik sa likod ko ni Vivian.

"Ayos lang yan ate kung meron ka mang kailangan andito lang ako o kami ni Kuya Kael" Ngumiti ito sakin kaya gumaan narin ang loob ko.

Hahanapin kita Kuya, pangako.

-

CONNECTIONS.Where stories live. Discover now