♣
CHAPTER VI.
Cleosra's POV.
N
agising ako dahil sa pagtunog ng mga Plato dahil nga malapit lang ang sala nila sa kusina.
"Oh ate gising ka na pala, kain ka na tinirhan ka namin jan.." sabi sakin ni Vivian habang naghuhugas ng Plato.
Tumango ako at umupo na sa lamesa atsaka kumain.
Maya maya pa.
Tumunog ang Phone-Tech ko.
Sa wakas, pero.. sino naman kaya 'to?
Kuya Wave is now calling..
( accept • decline )
"Hello kuya.. Ikaw ba to?" tanong ko dito.
"Cleo?.. Buti naman.. Nasa Hideout ka ba nila ngayon? May impormasyon ka bang nahanap?" tanong naman ni kuya sa kabilang linya.
naguluhan ako at tumahimik sandali.
"H-huh.. p-paano.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil muli itong nagsalita.
"NASA TERITORYO KA NG MGA KAAWAY NATIN CLEOSRA!" sigaw nito.
Kaaway? Huh.. wala akong maintindihan Kuya Wave.
"Kaaway? P-Paano? Bakit sila pa?!" naguguluhan kong tanong dito.
"Haay, kalimutan mo na ang mga sinabi ko pupunta ako dyan sa lugar nyo magdadala ako ng kaunting kasama para maging handa." huling sabi ni Kuya sakin sabay baba ng linya.
Napatingin ako kay Vivian na nakangiting naghuhugas ng plato.
"V-Vivian..?" tawag ko dito.
Nagulat ito at napatingin sa akin. "B-Bakit ate? May problema ba?" Tanong nito.
"Pwede ko bang tanungin kung sino o ano ba talaga ang eksaktong uri ng mga kaaway nyo?" tanong ko dito.
Tumahik ito saglit at nagsalita. "Sila yung dahilan ng pagkamatay ng mga magulang namin ng pinsan ko. Sabi ng iba ay last gen. pa daw nila ang pumatay pero matindi parin ang galit naman kahit magkaiba na ito ng bagong gen sakanila. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sila.." Yumuko ito.
"Celestial Guild. Yan ang pangalan ng Grupo nila." Sabi pa ni Vivian na parang ikinaguho ng buong sistema ko.
Bakit hindi ko alam to? Bakit wala akong alam? Sino ba talaga kami..?! BAKIT SILA PA?!
YOU ARE READING
CONNECTIONS.
Fantasy"Even if we're apart, Destiny will still find a way to get us together"