Chapter 7.

18 4 0
                                    

CHAPTER VII.

Mikael's POV.

"So may plano ang Celestial Guild na pumunta sa Hideout namin?" tanong ko kay Chief.

Tumango ito. Pero naguguluhan ako. "Teka P-Para saan?" naguguluhang tanong ko.

Ngumisi ito at nagsalita. "Malalaman mo rin, kaya kung ako sayo umuwi ka na."

Bumalik na ito sa opisina nya.

Wala na akong nagawa kundi bumalik sa Hideout.

[ at the hideout ]

Nagulat ako ng makita ko si Vivian na nakaupo at parang ang lalim ng iniisip.

Hindi naman ito ganto lagi.

"Vivian, may problema ba?" tanong ko dito.

Bumuntong hininga ito at nagsalita. "S-Si ate.."

Kumunot ang noo ko dito.

"Asan si Cleosra?" tanong ko pa.

"Umalis sya.. N-Naligo lang ako saglit paglabas ko wala na sya.. Binasa ko din yung ginawa nyang Digital L-Letter.." bigla itong umiyak.

Lumapit ako at pinindot ang sulat na iniwan samin ni Cleosra.

-

To Vivian and Kael.

Pasensya na kung umalis ako ng walang paalam.. Masyado lang akong naguguluhan sa mga nangyayari. At, Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa mga tumulong sakin.. Sana mapatawad nyo ako.

From Cleosra ♥

-

Napaupo ako sa sobrang sakit ng ulo.

B-Bakit?!

Ano bang nangyayari sa paligid namin ngayon?! Bakit mas lalong lumalala ang sitwasyon?!

Cleosra's POV.

Nakauwi na ako sa Bahay namin.

"Hmm, didn't expect this huh." nagulat ako nang makita ko si Kuya Wave na nakasunod na pala sa akin.

"K-Kuya totoo ba? Kaaway ba natin yung Consortiums?!" tanong ko dito ngunit tumawa lang ito.

T-Teka hindi ito yung Kuyang Wave na kilala ko.

"Wala kang alam kung gaano nasira ang Celestial noon. Sila ang may pakana ng lahat.. Nakipag ayos na kami nung una pero pinanaig parin nila yung galit nila. Yun yung dahilan kung bakit nawala si Papa at hanggang ngayon hindi natin mahanap si Mama." seryoso ang tono ni Kuya Wave.

Wala akong masabi dito dahil parang naging bato ako sa pwestong yon.

Dumeretso nalang ako sa kwarto at nagkulong.

Nang buksan ko ang Phone-Tech ko ay puno ito ng Missed Calls na galing kay.. Vivian..

Bumuntong hininga ako.

"Bakit sila pa?" tanong ko sa sarili ko na alam kong hindi naman talaga ako makakakuha ng sagot.

##

CONNECTIONS.Where stories live. Discover now