Chapter 2

77 7 1
                                    

Kanina pa sila tapos kumain pero andito pa rin siya sa kusina. Malinis na ang lamesa at tanging mga bote nang alak at isang maliit na babasaging baso na lang ang nasa mesa. Nakapaghugas na rin 'yung mga bakla. Gusto pa nga sana nilang makisalong uminom sa kanya kaya nga lang hindi sila pinayagan ni Ashrill dahil may trabaho pa raw sila kinabukasan.

Nakasalampak ang paa niya sa isa pang upuan para gawing patungan at wala na rin sa ayos ang pagkakaupo nito. Nakatitig lamang sa kisame, yuyuko lang kung magsasalin at kung iinom. Nanonood lang ako sa kanya simula pa kanina. Hindi rin siya umiimik habang kumakain, iyong dalawang bakla lang ang nag-uusap.

'Bakit ba kase umiinom ka?'

Maya-maya ay napangisi ito at iiling-iling na yumuko, nagsalin muli.

"Kaya ba Zein?... Tss... kaya pala."anito na kausap ang sarili. Si Zein siguro iyong babae kanina na girlfriend kuno niya.

Tumahimik muli itong tumingala sa kisame, ilang segundo pa ay may dinukot ito sa bulsa.

'Kwintas?'

"Tss... Pinag-ipunan kita tapos ginag* lang ako nang pagbibigyan ko sa'yo."kausap nito ang kwintas na nakasabit sa kamay niya.

Tinungga nito ang alak sa baso at magsasalin sana kaso wala nang lumabas na alak sa bote.

What the f*ck?

Naubos niya 'yung limang bote? Iba ka. Tumayo na ito na himalang mukhang hindi pa rin siya ganoon ka natamaan ng alak sa katawan. Maayos pa ito kahit paano na maglakad minsan nga lang ay liliyo-liyo na ito. Papunta siya sa mga kwarto nang bakla. Iyong pinto sa kaliwa ang hinampas niya nang malakas.

"Ang brutal naman nito! Pwede ka namang kumatok... Tch!"anas ko sa kanya, walang sagot na nakuha. Lumabas iyong si Arbie, nakapusod na bakla.

"Bakit beh?--ay vajiji ka, lasing kana pumunta kana nga sa kwarto mo."napasalo ito kay Ashrill ng muntik ng matumba. Inabot niya ang kwintas at hinawakan niya ito sa kaliwang balikat.

"Bigay mo sa ate mo... Kakasal na 'yun diba?"pupungay-pungay na ang mata nitong nagsalita. Tumango lang ito sa kanya bilang sagot. "Paki sabi sa... Ate mo..."naging seryoso ang mukha nito.

"Sige ano 'yun beh?"nag-aalala ang tono at mata nito.

"Walang poreber."napamaang lang ito sa naging sagot niya. Tinapik siya nito sa balikat at naglakad na patungo sa kwarto nito.

"Gaga!"tatawa-tawang umiling lang ito bago sinara ang pinto.

Sumunod naman ako kay Ashrill na ngayon ay kababagsak lang ng pinto nang kwarto nito. Naglalakad na ako paakyat sa kwarto niya nang umilaw ang pulsuhan ko.

"Meeting na naman? Ba't ba ang hilig nila mag-sched ng meeting sa gabi? Tch!"kausap ang sarili. Wala na akong nagawa at bumalik na sa mundo namin.

Marami rin akong nakasabay na kararating lang rin. Mabagal lang akong naglakad patungo sa Prusdom dahil hindi rin naman ako interesado. Kung ang pagpupulong na gaganapin ay patungkol pa rin sa mga obligasyon ng bawat isa ay wala rin lang kwenta. Hindi naman ako pwedeng hindi dumalo dahil mababawasan ang ranggo ko at bababa ang pwesto. Hanggang sa maging krover na lang rin ako. Tch!

"Sammie! May ideya ka ba kung tungkol saan ang pagme-meeting-an?"

"Wala rin Hazel e, pero sigurado akong tungkol na naman sa Siervo natin 'yan."

The pervert ghost stalker(On-going)Where stories live. Discover now