Chapter 3

74 7 0
                                    

Katatapos lang ng laban at iilan-ilan na lang rin ang nasa loob ng court. Tumayo na siya kaya tumayo na lang rin ako. Kanina ko pa siya napapansin na maski lingunin ako o tapunan man lang ng tingin ayaw niya.

'Anong problema nun?'

"Bakit ba ayaw mo kong pansinin?"kinalbit ko siya sa balikat, hindi sumagot maski lingunin ako.

Nakakainis naman 'to. Sige mamaya na lang pag-uwi namin ko na siya kukulitin. Nauna siyang maglakad pababa sa amin at nahinto nang tawagin siya nang coach ng Vrensycus team.

"Oh? Ashrill, ngayon na lang tayo ulit nagkita ah. 'Musta na!"si coach.

"Eto coach buhay pa naman. Congrats sa team, swabe ang laro. Madaya nga lang 'yung mga taga-kabilang team at pati referee e, kinuntsaba sa kadayaan nila."napangiwi pa ito sa huling sinabi.

Kakamot-kamot naman sa ulo si coach. "Ganun talaga! Hayaan na lang natin at nanalo naman tayo. Saulo pa rin ng team 'yung turo mo, palagi ka ngang kinukulit sa'kin kung kailan ka raw babalik sa team?"

'Turo niya sa team?'

"Pass muna 'ko diyan coach."

"Gusto mo bang sumama sa amin? At itong mga bata natin ay magce-celebrate daw."mahina itong tumawa.

Hindi na nagawa pang makasagot ni Ashrill ng may patakbong lalaki ang sumugod sa kanilang harapan. Habol nito ang hininga nang magsalita. "Coach! M-master?... Nagkakagulo sa labas, binubugbog rin 'yung dalawang bakla."gulat pa ito nang makita sa harap niya si Ashrill.

Nilingon pa ni coach si Ashrill pero hindi na siya nito nagawang lingunin pabalik. Nagmamadali itong lumabas ng court at walang kasing bilis ang bawat hakbang nito sa pagtakbo.

Paglabas namin nagkakagulo na nga at nanunuod lang ang mga taong hindi kasali sa gulo. Agad niyang nilibot ang mata, hinahanap ang mga bakla. Nang makita ito ay dali-dali siyang lumapit at pwersahang hinila ang dalawang lalaki sa harapan na bumubugbog at tumatadyak sa dalawang bakla na ngayon ay nakahiga na lang sa sahig. Tsaka niya ito padabog na hinagis, na sa sobrang lakas ay napahiga pa ang dalawa.

Napatingin naman sa kanya ang dalawa pang lalaki at pasugod itong sumuntok. Hindi pa man umaabot ang suntok ng isa ay hinila niya ang nasa kanan at pabatong hinagis sa pasuntok na lalaki. Na parang isang laruan lang kung ihagis niya. Agad niyang tinulungan makatayo ang dalawang bakla at inilayo sa mga nagkakagulo.

At sa pagkakataong ito ay tumingin na siya sa akin. Sa mata ko mismo.

"Bantayan mo sila."kita ang pag-aalala at galit sa mga mata nito. Saka tumayo at padarag na sinusugod ang mga kaaway para tulungan ang kanyang team.

"Prrrrrtttt!!"malakas na pito ang tumunog, pero hindi man lang natinag ang mga nagsusuntukan.

Hindi man lang siya magawang patamaan ng mga nakakaharap niya at mabilis na napapatumba ang mga ito. Habang abala siya sa kaharap ay may papasugod sa kanya na lalaking may hawak na tubo mula sa likuran.

'At saan naman nakapulot ng tubo 'yan?'

Sisigaw na sa ako para ipaalam sa kanya, napaawang na lang ang labi ko sa nakita.

Sinikmuraan niya ang kaharap kaya nagtumiklop ito at buong pwersa na binuhat niya papunta sa kanyang likod ang lalaki. Kaya ito ang nahampas ng tubo na ikinagulat ng lalaking sumugod. Tinalikuran niya ang lalaking gulat pa rin sa nagawa nito. Naglakad siya palayo roon nakataas ang kanang kamay na nakabad finger pa ang porma. Pinanlakihan iyon nang mata nang lalaking may tubo nang makita.

The pervert ghost stalker(On-going)Where stories live. Discover now