Chapter 4

34 2 0
                                    

Nagmamadaling umakyat si Eerma dala ang tuwalya nito.

'Ta£! Eh, yan din 'yung ginamit niya kaninang umaga ah?'

"Here! Magpunas ka baby, jusko ka beh! At saang lumapalok naman ng mundo ka nakahanap ng ganito ka gwapong lalaki?"banat pa nito na kusang pinupunasan si...

'Teka hindi ko nga pala alam pangalan neto.'

"Tss... Dun na nga kayo, bumalik na kayo sa kwarto niyo. Nakakita lang kayo nang ganyan mas may gwapo na sa'kin ngayon."kunwaring tampo ko pa saka pinagkrus sa dibdib ang mga braso.

"Bakit hindi ba?"hindi ko namalayan na lumapit pala siya at sinabi pa yun mismo sa mukha ko.

"Tss... diyan ka matulog sa sahig."

Iniwan ko sila sa labas at nagdiretso na sa loob ng kwarto ko. Mababaliw na ako kakaisip na ang isang kaluluwa lang naging buhay na.

'Pwede ba yun'

"Babe! Love! Baby! Sweetheart! Buksan mo 'tong pinto."sigaw niya pa sa labas ng kwarto ko.

'Potaaaa..... Baka kung ano nang pinagsasasabi niya sa mga bakla?'

Kaagad kong binuksan ang pinto at lumabas. Mukha niya agad ang bumungad sa'kin. Parang tanga na nakingiti at nakatitig lang.

'Para namang timang to'

"Pahiramin mo siya ng mga damit mo diyan beh, dahil puro naman panlalaki ang suot mo. Siguro naman may kakasya sa hot papa natin diba?"si Arbie na hindi magkamayaw sa pagtitig sa kanya na sa akin naman nakatingin.

"Tss... Pasok!"yun lang ang sinabi ko pero kung magsigawan naman itong dalawa parang sumagot ako nang OO PAPAKASALAN KITA, KINGINA!

Nasa likuran ko siya habang nagtitipa ako ng passcode sa pangalawang pinto ng kwarto ko. Hindi siya umiimik o gumagawa nang ingay. Ng mabuksan ang pinto ay nauna pa rin akong pumasok sa kanya at dumiretso sa closet para maghanap ng damit na ipapasuot ko sa kanya.

"Mmm! Dito ba ako matutulog babe?"nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ako kaagad nakasagot at naghahanap muna nang tamang pagkakataon para magsalita.

"Dun ka sa sofa!"

"Dito po?"turo niya sa mahabang sofa na nasa gilid malapit sa hindi ko pa tapos na pinta.

"Tss! Sa labas tanga."

"Ayaw!"

"Anong ayaw? Nakikitira ka lang sa akin a, baka nakakalimutan mo. Ni hindi nga kita kilala diyan e."

"Ayaw pa din."

'Aba talaga?'

Hindi siya nagpatinag at taas noo lang itong nakatayo sa harap ko habang nakacross arms at diretsong nakatingin lang sa akin.

"Oh!"hinagis ko sa kanya ang nahanap kong damit na kakasya sa matipuno niyang katawan. May ganiyan bang kaluluw-"H-hoy! Anong g-ginagawa mo?"nagugulat ko siyang tinuro habang isa-isa na siyang nagtatanggal ng damit.

"Naghuhubad babe po!"bat ba siua ganyan?

"Doon ka sa banyo magpalit siraulo 'to. Labas."

"Dito na!"

"Labas!!!!"

"Ayaw po!"pilit siyang nagpapaawa na akala mo limang taong gulang ang kingina.

The pervert ghost stalker(On-going)Where stories live. Discover now