Chapter 2: The Confession :)
Shane's POV
"Shaaaaaaaaane! May naghahanap na gwapo sayo" sigaw ni Mama.
Ayy ang bait ni God! Nagpadala kaagad ng inaasahan kong anghel! :D
Mahal mo talaga ako hihi :)
Baba nalang ako, nakakahiya sa naghihintay na GWAPO.
Pagkababa ko ayy aba, muka ng asungot na to ang tumambad sa akin!
Seriously God? Eto na yung anghel na hinihingi ko sayo?! -____-
LOKOHAN? Lord, na'recieve mo ba talaga yung knee-mail ko?
Ayy anu ba yan, ba't pawisan? Fuuuuuudge, mas gwapo pag pawisan at kalat-kalat ang buhok.
Eiiiiiiish! Anu ba tong pumapasok sa isip ko? >////////<
Tsk, anu ba kasi kailangan sakin ng mokong na to? At kailangan pa talaga pumunta sa bahay?
Nakakahiya sa Mama ko ayyyy -_____-
"Labas! Sa labas tayo mag-uusap!" Pasigaw kong sabi.
"Ba't kasi kailangan mo pa pumunta dito sa bahay? Anu ba kailangan mo? Nakakahiya sa mama ko eh -_-" Pabulong ko namang sabi. Baka marinig ni Mama eh
"Ibabalik ko lang naman phone mo eh. Antanga mo naman kasi, ibubulsa mo lang yang pinakamamahal kong love letter eh kailangan mo ihulog yang cellphone mo?"
"Che! Akin na nga yan. Pasok na ko, uwi na. Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo"
"May sasabihin pa ako eh."
"Anu na naman yun? Bilis, may ginagawa pa ako eh"
"Nanliligaw din pala sayo si Kurt? Tsss" -____-
"Eh anu naman ngayon?"
"Nagseselos ako" a moment of silence. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. -_- Fuudge, mukhang mabku-blush na naman ako. Eeeeeep!
"Aba at binasa mo pa messages ko? Respeto naman Les. Di pa nga tayo pero ini'invade mo na yung privacy ko?" Change topic nalang HAHA at saka tama nman dba? Dapat respetuhin nya yung privacy ko?
"Curious lang naman ako eh. Diba sabi ni Albus Dumbledore, curiosity is not a sin"
"Oo nga pero diba hindi ka dapat nangingialam ng gamit ng ibang tao?"
"Oo na, sorry na. Pero eto sasabihin ko sayo. Minsan ko lang 'to sasabihin kaya makinig ka." Sabi nya habang ipinatong nya yung kamay nya sa pader, dun sa me muka ko. Medyo nakakatakot na yung expression nya >.< Ang seryoso nya kasi eh.
"Anu naman yun? Sabihin mo na kasi." May halo rin akong kaba baka makita kami ni Rose! Kasali pa man din yun sa School Paper, showbiz section!!!
"Shane, mahal kita. Ikaw lang ang gusto ko, wala ng iba kaya't hindi ako bibigay basta-basta sa panliligaw sayo. Alam ko may nararamdaman ka din para sakin kaya't hihintayin kita ng parang sa Slumdog Millionaire" Sabay kuha ng gitara niya
ngayon ko lang din napansin na may gitara pala sa likod niya -.-
♫ ♫ ♫ ♫ ♫ ♫
pwede bang sabihin mo na itatago mo ang mga sulat ko kasi medyo maiinis ako kung itatapon mo wag kang magaala di ako luluha kung may kapiling kang iba di na pipilitin pa itong damdamin ko sau medyo maninibago pero aus lang sakin to pwede bang sabihin mo maghihintay ako sau kasi medyo naiinip na ko sa ikot ng mundo ooh
