Chapter 9: The party.
Alistair’s POV:
Pheeeeeew, pinag-papawisan na ako. Diba dapat mukha akong insipired ngayong gabi? Ba’t nag-mumukha akong expired? Ayyy letchee! Hahahahaha. Panu ba naman kasi iniisip kong baka mas lalo syang lumayo sa akin instead na mapalapit sya saakin?
Bahala na si Lord. *does the sign of the cross*
Ohaaaaa, maka-diyos yata to! :D
Pagkatapos kong mag-muni muni, napag-isipispan kong alas sais na pala. Kailangan ko nang mag-ayos. I have to look really formal kasi madaming investors doon. At syempre, andun si Shane, I know magfo-formal din ng damit yun kasi isa sya sa mga formulators ng cosmetics. Medyo pressured ako. Lalo na kung mag-simula silang mag-chismis tungkol sa date na dala ko. Intriga to panigurado. Artista na naman ‘tong gwapo na ‘to. Hahahaha.
Di na magta-tagal eh, madi-discover na ako. Hahahahahaha. That would be AWESOME!! :DD
Pagkatapos maligo, bihis ako kaagad. Nang makita ko kung gaano ako ka-gwapo sa suit and bow-tie ko, nawala ng konti yung pressure sa isip. Aish! I’ll just have fun, promise. :D
Sinundo ko naman si Sophie sa bahay nila. She looks pretty. Dashing actually. Naka-long dress sya na red na may slit sa gilid showing her long legs. Baaaa, sineryoso nya yung mga sinabi ko na dapat maging mas maganda siya sa kesa kay Shane. Hahahahahaha.
Nagpa-makeup pa tong babaeng to sa bading, kasama nya kasi yung bakla palabas nung binusinahan ko siya.
Nanlaki yung mga mata ko habang lumalabas siya kasi ang laki ng pinag-bago.
“Alam mo mush, bagay kang mag Binibining Pilipinas. Bagay yung exotic beauty mo dun” I praised her. Totoo naman kasi eh, di ko alam na ganito pala siya ka-ganda pag naka-makeup at naka-ayos. *gulp*
“Galing mong mam-bola. Alam mo ba yun?”
“Hindi, totoo naman kasi eh. Tingnan mo nga yung sarili mo sa salamin.Pakipot ka pa eh, alam mo namang maganda ka. Hahahahahahaha”
“Haaaaay nako, alam kong maganda ako. Pero alam mo namang hindi ko mahihigitan yung gandang pang Miss Universe ni babe mo!”
“Sus, selos ka lang”
Napa-tahimik siya sa mga sinabi ko. Ako din napa-tahimik kasi hindi ko alam kung paano siya ico-comfort sa insecurity niya lalo na kung ang insecurity nya ay selos ang dahilan.
Alang naman sabihin kong “wag ka mag-alala, ikaw lang ang mahal ko”. Well in fact, alam naming dalawa na si Shane pa rin hanggang ngayon.
We remained silent hanggang sa makarating kami sa venue.
“Let’s go?”
“Sure.” Tipid nyang sagot.
“Kinakabahan ka ba? Ba’t parang namumutla ka?”
“Syempre, kinakabahan ako!! Pano nalang kung anu ang sabihin ng mga kaibigan mo tungkol saakin? Panu kung i-compare nila ako kay Shane? Syempre talo na ako dun!” >///////////////<
“Chillax. Hindi ganung tao ang mga kaibigan ko noh. Mababait sila. Kasing-bait ng aso.”
“Pekyu!”
“Hahahahahahahahaha. Tara na nga!”
Tumuloy na kami sa loob at guess what? Sa dinami-dami ng makaka-salubong ko, si Rachelle pa! $#!7! Pero chill lang naman siya, di naman niya inaway si Sophie o anu man, pero di maiwasang tinitigan niya si Sophie mula ulo hanggang paa. Nanginig naman si Sophie sa takot. Haaaaaay, anu bang meron sa kanya na nanginginig lahat ng mga babaeng natitipuhan ko?
