Chapter 2: My Untold Story

49 0 0
                                    

Raffy's POV

Lahat tayo ay may kanya-kanyang isyoryang hindi pa nasasabi. Kaya ito ang akin ...

Kriing Kriing Kriing ...

Hay Naku! Buisit na alarm clock yan ah.. Pagkapatay ko ng alarm clock ay swerte namang ..... Nalaglag ako sa kama..

Blaag Blaag Blaag..

Aray! Ansakit naman. Bakit ba sa tuwing pinapatay ko yan eh! Nalalaglag ako.

Di ko na nga alam kung saan ako lulugar eh. Pagtingin ko sa orasan ay 8:00 na!

"Patay! Anong oras na male-late na ako nyan."

Unang araw ko pa naman ngayon sa college. Naku! Baka maligaw ako at dali-dali akong naligo at nagbihis. Matapos nyan at kinuha ko ang mga importanteng gamit ko na kakailanganin ko kasama na nung bag ko.

Dahil sa sobrang excited ko non, kaya naman ay Hindi ako nakatulog.

Pagsakay ko ng kotse ay bigla akong naalala yung School na papasukan ko.

Kung anu-ano ba ang magiging itsura ng mga kaklase ko at kung anu-ano pa.

Pagpasok ko pa lg ay nakita ko na ang mga estudyante na may iba't-ibang estado. Mayroong mayaman at maykaya. Ito ang mga taong nakikita ko base sa kung ano ang mga itsura at kung papaano sila magsikilos.

Freshman ako kaya naman ay wala pa akong masyadong kakilala dito sa Fortalejo University.

Nakakatuwa dahil may mga bago akong taong makakasalamuha. Nakakalungkot dahil wala pa akong masyadong kakilala dito. Nakakahiya kasi maliligaw at maliligaw ako dito sa mga lugar na ito, pero kahit papaano ay dapat na maintindihan nila iyon, dahil nga Freshman ako dibaa??

Sana maging masaya ang magiging Sem na ito, kasi nga first time dibaa?? Shunga lg? Di ko alam kung mae-excite ba ako o malulungkot kase may mga bagong tao akong makakasalamuha. Dahil rin ba sa ndi ko pa sila masyadong kakilala kaya malulungkot ako.?

Ahh!! Ewan. Di ko na alam andame kong ine-expect sa mangyayari ngayon at sa susunod pang mga araw. Kasi para sa akin hindi ito magiging madali.

Pero, kahit papaano ay madadala din ako. Kasi madami akong mami-meet na iba't-ibang klase ng estudyante.

Sad to say na hindi ako. Masyadong Friendly katulad ng mga taong ating nakasanayan. May pagka- Friendly pero hindi ung talagang ganun ka-close. Ako kasi ung tipo ng hindi kita kakausapin hanggang wala akong kailangan sayo.

Hindi din ako ung tipo na mag-aalok basta basta. Lalo na at parang sa first impression ko ay hindi maganda. Kaya ako na lg ang naghihintay na mag-alok sa ibang tao ng ganun.

Sabihin na nating may pagka-Friendly ako. Pero ndi ako ung madyadong ma- PR na tao. Na masyado namang nagbibida bida sa mga bagay bagay.

Ako yung naghihintay ng mga taong magiging kaibigan ko. Mapili din kasi ako pagdating dun.

Ayy!! Teka. Asan na ba napunta ung kwento?? Bakit napunta sa tungkol dun sa etc. Etc. Na pagkakaibigan ko. Kyaaahh!! Baliw na naman akooo. Hahaa.

So ayun na ngaa...

Pagkababa ko dun sa tapat ng School ko ay sinabi ko

" Kuya saan po ba dito ung entrance?".

"Dyaan iha! Sa may malaking gate na iyon. Magtanung-tanong ka na lang."

"Ahh!! Sige po una na po ako."

At ayuun. Umalis na si Kuya.

The Wrong Person.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon