Chapter 1 - Her Life

82 3 1
                                    

(Yrah Angelica Tristesse's POV)

"A-araaaay! Tama na ho! Maawa kayo sa akin!" Paulit ulit kong sabi.

"Hindi mo na naman ako sinunod! Ang sabi ko ibili mo ako ng alak sa tindahan!" Sigaw sa akin ng Tito ko habang paulit ulit akong pinapaso gamit ang sigarilyo niya sa braso.

"Wala naman ho kayong ibinigay na pera sa akin." Namanhid na ata ang mga mata ko, kahit kasi sobrang sakit ng ginagawa niya sakin, hindi ko na nagagawang umiyak.

"Aba't--! Sasagot ka pa! Edi gamitin mo yang pera mo pang bili ng alak! Wala kang utang na loob! Ako ang nagpapakain sayo dito." Sabay paso ulit sa'kin ng sigarilyo nya, sa sobrang diin ng pagkapaso nya sa noo ko, nawalan na ng sindi ang sigarilyo nya.

"Diba ho sinabi ko na sa inyo na wala na akong natitirang pera? Baon ko na lang ho para bukas ang pera na meron ako." Kahit na sinasaktan ako ng Tito ko, ginagalang ko pa rin sya. Mabait naman talaga ang Tito ko eh. Naging ganyan lang siya simula noong ipagpalit siya ng asawa niya sa ibang lalaki.

"Wala akong pakealam! Ang gusto ko ibili mo ako ng alak! Ikaw na ang bahala kung saan mo kukunin ang perang pambili mo! Wala akong pakialam kahit magnakaw ka! Basta maibili mo lang ako ng alak! TAPOS!" Sigaw nya sa akin at tinulak ako palabas ng pintuan.

"Wag kang uuwi dito nang wala kang dalang alak!!!" Sabay bagsak nya ng pinto.

Gan'yan. Gan'yan lagi ang nangyayari sakin. Lagi na lang akong sinasaktan.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa tindahan. Wala na akong ibang choice kundi gamitin ang perang dapat sana'y baon ko para bukas. Ayoko namang gumawa ng masama. Kaya mas mabuti pang gamitin ko na lang ang pera ko.

Lagi na lang nila akong sinasaktan. Lahat ng taong nakapaligid sakin, sinasaktan ako. Wala naman akong ginagawang masama pero bakit ganun? Di ba sila pwedeng maging patas? Tinatrato ko naman sila ng maayos. Pero bakit ganun?

Kahit ano atang gawin sakin, di na ako maiiyak. Siguro nasanay na rin ako. Lagi kasi akong nasasaktan kaya manhid na rin ako.

Nakalimutan ko palang magpakilala. Ako si Yrah Angelica Tristesse. Tawagin nyo na lang akong Angel.

Kung gaano kaganda ang pangalan ko, ganun naman kalungot ang storya ng buhay ko. Pati nga apelyido ko nakisama sa kalungkutan ko eh, haha. May teacher kasing nagsabi sa akin dati na ang lungkot daw ng apelyido ko. Ang Tristesse ibig sabihin daw kasi ng Tristesse sa French ay 'Sadness'. Ang galing lang talaga, nakisama ang apelyido ko sa ka-saklapan ng buhay ko.

Magmula kasi nang mamatay ang Mama ko. Sa Tito ko ako lumaki. 6 years old pa lang ako nang mamatay si Mama. Si Papa naman, hindi ko alam kung nasaan. Ang sabi kasi ni Mama, nasa ibang bansa daw ang Papa ko.

16 years old na ako pero umaasa pa rin akong babalik ang Papa ko. Umaasa akong may magmamahal din sa akin.

"Aayy! Nako! Juskopo!" Nagulat na lang ako nang may biglang lumitaw na kulay puting pusa sa harap ko habang naglalakad ako papunta sa tindahan.

"Naliligaw ka ba?" Para akong baliw dito na kinakausap ang pusa sa harap ko. Mag aalas dose na ng gabi at baka mapahamak ako kaya minabuti ko na lang na iwan ang pusang iyon.

"Meoww" Sumunod pala sakin yung pusa pero hinayaan ko na lang.

-----

Malapit na ako sa bahay nang nakita kong nakasunod pa rin sa akin iyong pusa. Yumuko ako at inilapag sa gilid ko ang nabili kong alak para sa Tito ko.

Hinaplos haplos ko yung pusa. "Wala ka sigurong tirahan no?" Kinarga ko yung pusa at sinama pauwi sa amin. Idadaan ko na lang itong pusa sa bintana dahil sigurado akong hindi papayag si Tito na iuwi ko ito at sasaktan lang rin nya.

Dumiretso ako sa may bintana sa likod ng bahay, dahil nandun ang kwarto ko. Maliit lang naman ang kwarto ko.

Binuksan ko yung bintana at dahan dahang ipinasok sa loob ng kwarto ko yung pusa.

"Wait lang pusa ah, antayin mo ko dyan. Wag kang mag iingay ha." Sabi ko sa pusa kahit alam kong hindi naman ito sasagot.

*Tok tok*

"Tito! Andito na ho ako. Eto na ang alak na pinapabili nyo." Agad namang binuksan ang pintuan pero hindi ang Tito ko ang nagbukas.

Babae ang nagbukas ng pinto.

May dala na namang bagong babae ang Tito ko.

"Sino ka?" Sabi nung babaeng naka maikling shorts na akala mo panty na. Tas naka tank top na kulay itim. Kulang na lang lumuwa yung hinaharap nya at sabihing 'Ang laki laki ko. Pansinin nyo ko.'

Bigla namang dumating yung Tito kong naka topless at boxer shorts lang. Hinablot nya sakin yung alak na dala ko at agad akong pinapasok sa kwarto ko.

Sinunod ko na lang ang Tito ko dahil ayoko namang makita ang kababuyang gagawin nila.

-----

"Kumain ka na ba?" Mukha kasing gutom si Karla, yung pusang dinala ko.

Tumayo ako at kinuha yung natitirang tinapay na hindi ko naubos kanina. At nilapag sa harap ni Karla.

"Meoww." Agad namang kinain ni Karla yung tinapay.

"Karla matutulog na ko ha. Maaga pa ang pasok ko bukas e. Goodnight" Tska ko hinaplos yung ulo ng pusa.

Nagdasal ako bago matulog at nagpasalamat sa Diyos dahil kahit papano may makakausap na ako, kahit  na pusa lang.

Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon