Chapter 3 - First Day pt. 2

39 1 0
                                    

(Angel's POV)

"Okay class, you may now take your recess." Sabi ni Ma'am Poblete, Math teacher namin. At lumabas na siya ng classroom.

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at lumabas na para mag-recess.

"Ba't ayaw mo pang tumayo? Wala ka bang balak mag-recess?" Tanong sa'kin ni Mark.

"A-ahh. E-ehh. Busog pa kasi ako eh." Pag-aalinlangan ko kung sasabihin ko ang totoo, na wala talaga akong baon.

"Tss. Ge." Sabi naman ni Mark tapos lumabas na siya. Problema nun?

"Hi chix." Pa-cute na sabi ni syokoy, hehe. Bad.

"Pasensya na. 'Di kasi chix pangalan ko eh?" Alinlangan kong tanong.

"Pre, basag ka dun ah. Hahaha!" Natatawang sabi nung kasama niya, alagad niya ata. Hehe.

"Tss. Pilosopo 'to pre. 'Di naman kagandahan. Tss. Tara na nga. Puntahan na lang naten si chikababes ko. 'Di hamak na mas maganda 'yun at sexy." Sabay hila ni syokoy sa kasama niya.

Bigla namang dumating si Mark, at inilapag sa harap ko ang isang biskwit at bote ng tubig.

Tinignan ko lang siya ng nagtataka.

"Para sa'yo 'yan. Tss. Alam ko namang wala kang baon. Nag-deny ka pa. Tss. 'Wag mong subukang magreklamo. Ayoko sa madaldal." Dire-diretsong sabi niya.

"Salamat."

"Tss." Sagot niya naman. Sungit neto ah.

-------

"Goodbye class."

"Goodbye Sir Dennis." Kami ng buong klase.

Nagmadali akong kunin ang bag ko at lumakad na palabas kaya nga lang bigla akong hinarang nung isa kong kaklaseng babae at may dalawa pa siyang alipores.

Sa pagkakaalam ko, 'yung humarang sa'kin ay si Scarlet. Tapos 'yung dalawa niyang kasama ay si Christina at Kathryn.

"A-ahh. B-bakit?" Ang sama kasi ng tingin nila sa akin lalo na si Scarlet.

Imbes na sumagot ay hinila niya 'yung buhok ko at kinaladkad ako papunta sa bandang likod ng school.

"Malandi." Sabay tulak sa'kin ni Scarlet.

"H-huh? Ano bang sinasabi niyo?" Takhang tanong ko.

"Ikaw! Malandi ka! Nilalandi mo si Eugene babes ko!" Sigaw niya at bigla akong sinabunutan. 'Yung Eugene ata 'yung syokoy na lumapit sa'kin kanina.

"Hindi ko siya nilalandi! A-ano ba! Aray! Masakit!" Reklamo ko.

"Hindi mo nilalandi? Eh anong tawag mo dun sa pagkausap mo sa kaniya kanina?" At nakisabay na din 'yung dalawa niyang alipores sa pagsabunot sa'kin.

"A-araaay! Tama na! Iiwasan ko na lang 'yung syoko--- babes mo! Tigilan mo na ako. Please!" Pagmamakaawa ko naman.

"Tss. Wala kang kwenta! Siguraduhin mo lang! Hindi lang 'yan ang aabutin mo 'pag 'di mo iniwasan si Eugene babes ko!" Tinulak niya pa ang ulo ko na dahilan ng pagka-untog ko sa malaking bato.

"A-araaay!" Sabay hawak ko sa ulo kong nagdudugo. At lintek pa! Nagasgasan pa 'yung braso ko kung saan ako may paso.

"T-tara na! Tara na!" Tarantang sabi ni Scarlet sa dalawa niyang alipores.

"Ughhh." Sabay hawak ko sa ulo ko. Nahihilo ako. Umiikot ang paningin ko. Kailangan ko nang umuwi at madami pa akong lalabhan. Magagalit sa'kin si Tito.

Maglalakad na sana ako pauwi kaya lang biglang nagdilim 'yung paningin ko.

-------

-__________-

O_________-

-__________O

O_________O

???

Paano ako nakauwi dito sa bahay???

At bakit ako nakahiga dito sa sala?

Baka naman panaginip lang 'yung kanina? Napahawak naman ako sa ulo ko.

???

May gasa 'yung parte ng ulo ko na nagdudugo.

"Ano bang nangyayari? Paano ako nakauwi?"

"Meooow."

"Ay kabayong bundat! Ano ba 'yan Karla! Magugulatin pa naman ako aish!" Sabay hawak ko sa pusa.

Teka. Anong oras na ba? Napatingin ako sa orasan at--

"7:45 na! Late na ako sa trabaho ko!" Dali dali kong ipinasok 'yung pusa sa kwarto ko. At tumakbo na palabas ng bahay at ini-lock ito.

'Di pa pala ako nakakapaglaba! Takte!

Nga pala, tagahugas ako ng pinggan sa isang karinderya. 7:15 - 11:30 PM dapat ang pasok ko. At late na ako ng 30 minutes. 100 piso ang sahod ko bawat araw.

"Madam! Pasensya na ho! May inasikaso lang ho ako at nakalimutan ko ang oras! Pasensya na ho talaga!" Dire-diretso kong sabi kay Madam Berta, may ari ng karinderyang pinapasukan ko.

"Alam mo na ang patakaran ko! 'Pag na-late ka ng 10 minuto pataas, kaltas 'yan ng bente sa sahod mo!" Sigaw ni Madam.

"Huwag niyo na ho akong kaltasan! Nagmamakaawa po ako. Kailangan ko ho ng pera ngayon. Pasensya na ho talaga hindi ko na uulitin, huwag niyo lang ho akong kaltasan."

"Hindi pwede! Ang dami mo pang satsat! Tambak na ang hugasin mo! At kailangan ko na ng mga plato! Ang daming costumer ngayon!" At tinulak niya ako papunta sa kusina. Hindi na lamang ako nagreklamo.

Habang naghuhugas naman ako, biglang pumasok sa isip ko kung sino ang nagdala sa'kin papunta sa bahay? Wala naman akong kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon