Chapter 2 - First Day

74 3 12
                                    

(Angel's POV)

Maaga akong gumising dahil may pasok ako at pa-plantsahin ko pa ang uniform ko. Actually, alas kwatro pa lang ng umaga ngayon at alas sais pa ang pasok ko.

Lunes ngayon at ngayon ang unang araw ko sa klase. 16 years old na ako pero 1st year high school pa lamang ako kasi wala naman akong sapat na pera para ipambili ng uniform at gamit sa school.

Hindi naman kasi ako pinag-aaral ni Tito. Ang sabi niya aksaya lang daw 'yon ng pera. Hindi rin naman daw ako makaka-graduate dahil mahirap lang kami.

Kaya 'nung magka-trabaho ako, nagtabi agad ako ng pera para sa pag-aaral ko. Unang sahod ko ay pinambili ko agad ng isang pares ng uniform dahil yun lang ang kaya kong mabili noon.

Malapit ko nang matapos ang pamamalantsa ko nang biglang sumigaw si Tito ng pagkalakas-lakas.

"ANGEL!!!" Ang lakas niyang sumigaw. Umagang-umaga nagwawala na naman si Tito. Ano na naman kaya ang problema niya?

"Po?" Medyo mahinang tanong ko pero sapat na para marinig niya.

"Angel!" Nakita ko si Tito na nasa harapan ko na.

"Anong oras na?! Pero di ka pa nakakaluto! Ni hindi ka pa nakakapagsaing! Inuna mo pa yang uniform mo kesa sa kakainin ko!" Galit na galit n'yang sigaw.

Jeepney driver kasi ang Tito ko kaya maaga siyang pumapasada. Nakalimutan kong 4:20 AM pala siya umaalis dito.

"Teka lang ho Tito. Malapit na akong matapos dito. Magluluto na ako. Antayin n'yo lang ako." Wika ko habang pinagpapatuloy pa rin ang pamamalantsa.

"At talagang uunahin mo pa 'yan!" Halata kong inis na inis na s'ya.

"Sandali na lang ho. Itong palda na lang." Sabi ko habang iniha-hanger ang naplantsa ko nanh blouse.

Pero nagulat na lang ako sa sunod n'yang ginawa.

"AHHH! ARAAAAAAAY!" Napabitaw ako sa hawak kong blouse. Dahil bigla-biglang kinuha ni Tito 'yong plantsa at idinikit sa braso ko.

Hindi pa siya nakuntento. Pinaso pa ulit niya ako at ngayon naman ay mas matagal ito.

"ARAAAY KO TITO! TAMA NA PO! SUSUNDIN KO NA HO KAYO! TAMA NA HO!" Pagmamakaawa ko sa kanya dahil sobrang diin ng pagkakalapat niya ng plantsa sa braso ko. Hindi naman ako makaalpas dahil hawak niya ang kabila kong braso at pilit na dinidiin ang plantsa sa akin.

Kahit na sobrang sakit ng ginagawa niya sa akin hindi pa rin ako naiiyak. Ni isang butil ng luha hindi pumatak mula sa mga mata ko.

Agad akong napahawak sa braso ko nang tanggalin na niya ang plantsa mula sa pagkakadikit sa braso ko.

"Sa susunod na ganiyan ulit ang gawin mo, sisiguraduhin kong hindi lang 'yan ang aabutin mo! Isarado mong mabuti 'yang pinto mamaya bago ka umalis! Kapag tayo nanakawan, humanda ka saking gago ka!" Galit  niyang sigaw at lumabas. At pagkalakas lakas na ibinagsak ang pinto.

Ako naman ay nagmamadaling tumakbo papunta sa kusina at kumuha ng suka tsaka nilagay sa mangkok. Kumuha ako ng bulak at sinawsaw ito sa suka.

Pagkasawsaw ko nito sa suka, dahan dahan kong idinampi ito sa braso kong pinaso ng Tito ko.

Paulit-ulit ko lang itong ginawa. Sabi kasi ni mama noong buhay pa siya kapag napaso daw ako kumuha agad ako ng suka at idampi ito sa paso, para hindi tuluyang  malapnos ang balat. At para mabilis maghilom ang paso.

"Ay juskopo dong!" Nagulat naman ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Karley, yung pusa. Iba-iba ang tawag ko sa kanya, minsan Karla, Karlalu o kaya Cutie. Ang cute-cute niya kasi. Puting puti pa yung balahibo niya sa katawan tapos 'yung balahibo niya sa dulo ng buntot niya kulay itim. Minsan pag may naisip pa akong bagong pangalan sa kanya iyon ang itatawag ko sa kanya.

"Ngiyaaaaw." Gutom na naman siguro 'to.

"Cutie, wala muna akong mapapakain sayo ngayong umaga. Wala kasing pagkain si Tito mamaya pag umuwi siya ng tanghali dito mamaya."

"Alam ko na bhe! Dadalhan na lang kita ng pagkain mamayang tanghali. Dadaanan na lang kita dito bago ako magtrabaho."

"Meooow."

"Wag  kang maglilikot dito ah. At doon ka lang sa kwarto. Huwag kang aalis doon. Baka mamaya makita ka ni Tito 'pag umuwi siya." Tsaka ko binuhat si Ming-Ming papunta sa kwarto ko.

Haaays. Ang hapdi siguro nitong paso ko pag nabasa. Pano ako maliligo nito? Panigurado mahapdi 'to.

Pero wala na naman akong magagawa  at naligo na lang ako at nag-ready na sa pagpasok. Kailangan magmukha akong presentable sa harap ng klase mamaya.

Sigurado akong sa'kin nakatuon ang buonh pansin ng klase mamaya dahil 2nd grading na nang makapag-enroll ako.

-----

"Ako po si Yrah Angelica Tristesse. Tawagin niyo na lang akong Angel. 16 years old na po ako. At mabait naman ako kaya sana ay magkaroon ako ng kaibigan sa inyo." At nginitian ko silang lahat.

'Yung mga babae mukhang inis na inis sa akin. Samantalang 'yung mga lalaki naman ngiting-ngiti na nakatitig sa akin.

Narinig ko pa ngang sabi ng isang lalaki kanina 'Uy! Pare may chicks! Pustahan tayo mapapasagot ko 'to. Sa pogi kong ito ba ewan ko na lang kung hindi pa ko sagutin nito.' Tas nag pogi sign pa siya. Eh mukha nga siyang syokoy.

"Oh Angel. Doon ka na lang maupo sa tabi ni Mark. 'Yung maputing lalaking 'yon na singkit." At tinuro niya yung upuan na katabi noong Mark. Mukhang masungit 'yung Mark. At naka poker face lang.

Malapit na akong makarating sa upuan na tinuro sa akin kaya lang--

"HAHAHAHAHAHA!" Dinig na dinig ko ang malakas na tawanan ng mga kaklase ko dahil sa pagkakadapa ko.

Tumayo na lang ako at naglakad na ulit papunta sa upuan ko. Alam kong tinisod ako ng isa sa mga kaklase ko.

"Class! Wag naman niyong tawanan si Angel. Kabago bago pa lang tinawanan niyo agad. Pano kung kayo ang nasa posisyon niya at tawanan din kayo? Ano na lang ang mararamdaman niyo?" Sabi ni Ma'am Clarkson. English teacher namin.

"Ayos lang po Ma'am." Sinabi ko na lang iyon para manahimik na ang buong klase.

"Okay class. Let's start the discussion."

Nakinig lang akong mabuti kay Ma'am dahil gustong gusto ko talagang matuto. Kaya lang bigla namang nagsalita si Mark.

"Don't expect them to be good to you. 'Wag ka na ring umasang magkakaroon ka ng kaibigan dito. Huwag ka ring masyadong mabait dahil aabusuhin lang nila ang kabaitan mo. Manloloko ang lahat ng mga 'yan." Poker face niya yang sinabi sa akin.

"Huh? Okay." Iyon na lang ang naisagot ko sa kanya.

Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon