Chapter 3

16 0 1
                                    

- 3 –

“Ms.Carillo, are you alright?” tanong sa’kin ni Mrs.Cope at pati mga kaklase ko, nakatingin na lahat sa’kin, including Gian!

 “Yes ma’am, I’m alright.” Sabi ko at binalik atensyon ko sa klase.

Okay, enough of this silly thoughts and feelings. Naaapektuhan na pati pag-aaral ko. Kailangan naka-focus ako sa klase, ayoko na ulit mapahiya lalo na at nandito si Gian.

Hay nako, ano ba naman kasi nangyayari sa’kin at ganito nararamdaman ko? Hindi puwede na lagi akong ganito. Kailangan ko mag-focus.

Yeah, focus Mina,  F O C U S.

Lesson

Lesson

Lesson

Lesson

Lesson

Lumipas ang mga oras ng ‘di ko na naisip pa si Gian at yung kaba na nararamdaman ko. Iniwasan ko din muna ang mapatingin ulit sa kanya at nag-focus ako sa klase. Nakabuti din yun :) haha

At ngayon nga, tapos na ang klase namin. Oras na rin para pumunta sa meeting namin sa club :)

 “Sisteringkings, mauna na’ko sainyo ha, may meeting pa kasi aq sa club.”Sabi ko sa mga bestfriends ko.

“Ganun ba? Gusto mo bang antayin na kitang matapos para sabay tayong umuwi?”sabi sa’akin ni Dannie, naku, umandar na naman ang pagiging concerned ng is akong bff. Hehe.

“Eh kung antayin kana kaya namin para sabay na tayong apat umuwi?” sabi naman ni Monique.

“Naku sisteringking, kailangan kong umuwi ngayon agad dahil may family dinner kami sa labas sabi ni mama.” Sabi ni Kim at nagmamadali na ngang mag-ayos ng kanyang gamit.

“Salamat mga sisters, pero ‘wag niyo na ‘kong antayin, ok lang naman ako, ayokong pati kayo eh gabihin sa pag-uwi.”

“Sigurado ka ba?” magkasabay na tanong sa’kin nina Monique at Dannie.

“Yep, sigurado ako” nakangiti kong sabi para ‘di na sila mag-alala pa.

“O siya, sige, alis na kami, kita-kits na lang bukas.”Sabi ni Dannie at sabay-sabay na silang tatlong lumabas ng room para umuwi na.

Palabas na’ko ng room namin ng makasalubong ko si James. Ka-member ko din siya sa club ko, maganda ang boses niya kaya palagi siyang may solo sa mga events namin.

 “Wilhelmina, ano sabay ka sa’kin?”

“Sorry pero hindi ako sasabay sa’yo dahil alam ko naman ang papunta sa club office.”

“Sabay na tayo para ‘di ka naman loner.”Nang-aasar na ngiti sa’kin ni James.

“Salamat na lang. sige mauna na’ko sa’yo.”

“We still have 30 minutes before the meeting starts,”

“Alam ko. Mabuti na ‘yong maaga kaysa naman sa late.”

“Ouch men! Pinapatamaan ka yata ni Ms.Sungit.”sabi ni Mike, ka-tropa din ‘to ni James na nakaka-asar din.

“Hindi, nagpapa-alala lang sa’kin si Wilhelmina na ‘wag akong ma-late.”Sabi ni James sabay lapit at akbay sa’kin.

“Huwag ka nga man-chansing”Siniko ko nga sa tagiliran niya. Haha. Pero hindi naman gaanong masakit.

“Sige na nga, I’ll let you off baka awayin mo na naman ako.”

Stolen Moments (Hiram)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon