Chapter 2

33 0 0
                                    

Mina’s POV

Oh my days, sobrang kinakabahan ako. Ang lakas ng heart beat ko, parang gusto ng lumabas ng puso ko. Ngayon lang ako nagka-ganito, yung ganitong feeling na sobrang kabado dahil lang sa isang lalake. Totoo pala siya, akala ko sa panaginip ko lang siya makikita at makakasama.

Nakakaloka ever! Hihimatayin na ata ako.

‘Wag naman po sana!

Gian. Gian Mijares. Hmm. Bagay sa kanya ang name nya.

Ano kayang naisipan niya at dito siya nagpatuloy ng pag-aaral niya? Eh ‘di ba galing siyang England? Kasama niya din kaya parents niya dito? Will he be staying here for good?

May girlfriend na kaya siya?

Waa! Malamang meron na! sa guwapo niya ba naman, imposibleng wala.

I bet, he’ll be popular in our school at maraming babae ang mag-so-swoon sa kanya.

--------------------------------------

“Okay, you may sit on the last row joining the boys, Mr. Miranda, would that be okay for you?” sabi ni Ms.Rivero na nagpabalik sa katinuan ng utak ko. LOL. Haha

“Yeah sure.”Sabi ni Gian at naglakad na papunta sa upuan niya.

His posture, the way he walk, the way he stand, oh my, ang lakas ng dating niya, grabe!

I can’t take my eyes off him, at hindi lang naman ako ha! Lahat kami. As in LAHAT, kay Gian nakatingin at pinagmamasdan siya.

Nahagip ng mata ko ang tingin sakin ni Dannie, na para bang sinasabi niyang:

“Tulo laway ka na! :P”

Tumingin din ako kina Monique at Kim na nasa may likuran ko lang and they’re teasing me sa pamamagitan ng “eye contact” -_____-

Alam ko, nababasa nila ang iniisip ko ngayon at siguradong aasarin nila ako ‘pag break time. Waa!

Ayun nga, kampante ng naka-upo si Gian sa upuan niya. Hindi ko pa rin maiwasang hindi siya tignan ng pasimple. Ewan ko ba, parang nama-magnet ang mga mata ko sa kanya.

BOOM!!

Biglang lumingon sa’kin si Gian!

Nahuli niya ‘kong nakatingin sa kanya!

As in, huling-huli talaga!

Wala akong lusot eh!

Waa! Nakakahiya ka Wilhemina!

Ano’ng gagawin ko?????

Should I smile on him?

Or

Tarayan ko kaya?

Ano bay an, ang sama ko naman kapag nagtaray ako eh wala naman ginagawa saaking masama ‘yong tao.

Haaayyyy.

Sa pagkapahiya ko, umiwas na lang ako sa kanya ng tingin at yumuko.

------------------------------------------------

Binalik at itinuon ko na lang ang atensyon ko kay Ms. Rivero na kasalukuyan na palang nag-di-discuss about sa upcoming Intramurals namin in months.

Oo nga pala, October na ngayon at katatapos lang ng midterm exam namin. We only have one and a half months to prepare for the upcoming event. We usually have it on the second week of December. Kaya gusto namin ang December dahil wala na kami masyadong ginagawa kasi after the Intrams, Christmas Holiday na kami :) saya di ba? Hahaha!

Stolen Moments (Hiram)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon