November.
Ang bilis lumipas ng mga araw, November na agad ngayon. Busy na rin ang mga estudyante at teachers na kasali sa intramurals event. Nag-uumpisa na kasi ang halos lahat ng year levels sa school namin including primary and tertiary. In three weeks time, intrams na naming. Excited na nga din ako eh. Haha. Pati yung tatlo kong sisters, hindi ko na palaging nakakasama dahil maghapon ang practice nila para sa cheer dance competition. Ako naman, after class hours ang practice at gabi na rin umuuwi. Nakakapagod nga lang lalo at malapit na ang big event.
“Mag-isa ka ata?”
Nagulat ako sa nagsalita mula sa likuran ko. Muntik na rin akong sumigaw pero hindi nangyari dahil may lamang pagkain ang bibig ko. Halos lumundag ang kaluluwa ko at lumabas sa loob ng katawan ko dahil sa pagkagulat. Kamuntik na rin akong mahulog sa inuupuan kong bench sa canteen.
“Sorry if I give you a fright, I didn’t mean to”
Hindi pa rin ako makapag-salita sa pagkabigla pero nilingon ko siya at nagulat na naman ako nang si Gian ang makita ko.
Anak ng toots naman oh!
“Mind if I join you?”
“No, okay lang,”
Nakuha kong sabihin. Mabuti nga at nakapag-salita pa ako at hindi nag-stutter. Naupo siya sa harap ko. Ngumiti siya sa’kin at ang gwapo niya. Lalo siyang guma-gwapo kapag naka-ngiti.
Makalaglag panty ba!
Hahahahahhaha!
My gosh!
Ano ba ‘tong iniisip ko!
Hoy Wilhelmina, umayos ka nga!
Baka mahalata ka ni Gian at isipin tuloy na may gusto ka sa kanya.
“Bakit mag-isa ka dito? Where are your friends?”
“Nauna na silang umuwi, I think. Katatapos lang ng practice namin sa Voce Schola. Naisipan kong pumunta muna ditto dahil gutom na’ko :D
Ikaw, bakit andito ka pa sa school? Late na ah.”
“Basketball practice. Nag-try out ako last week at nakapasok naman. dahil malapit na ang intrams, every night na nag practice naming even weekends we do practice.”
“I see. Hindi mo yata kasama ang tropa mo?”
“Actually, it’s the three of us, you know, Chipax and Mike, pero nauna na silang umuwi dahil pagod na raw sila and I stayed for a bit to practice more. Si James bakit hindi mo kasama?”
“Nah, hindi naman kami magkasundo ni James. Madalas kaming magka-away. By the way, marunong ka pa pala mag-tagalog, akala ko hindi na kasi hindi ka nagtatagalog kapag nsa classroom.”
“Ganun lang talaga si James. Maloko yun eh.
Nagtatagalog kaya ako kasama mga classmates natin. Ikaw lang naman ata ang hindi nakakapansin ng tagalog ko. LOL”
Aba, at nakikipag-biruan na sa’kin ang mokong. Haha. Kinikilig ako! :D
Kinikilig ako lalo kapag ngumingiti siya! :D
Ang ganda ng mga mata niya. Para bang ang daming gusting sabihin at may dimple din siya sa left cheek niya, hindi masyadong mababaw at hindi rin masyadong malalim.
Mahaba din ang eye lashes nya na slightly curved upwards. Ang mata niya, parang katulad ng kay Zayn Malik ng “One Direction”. Matangos din nag ilong niya, makinis ang mukha. And those lips . . .