KRRRRIIIIIINNNNNGGGGGG!!!!!
“Waa! Ano ba naman yan, nagulat naman ako dito sa alarm clock ko, naputol tuloy yung panaginip ko.”
Tiningnan ko kung anong oras na sa relos ko at ---
“Waa! 6:30am na! OMD! Ma-le-late na ‘ko sa klase!”
At eto nga, nagmamadali na naman ako sa pagaayos ng sarili ko bago pumasok sa school. I set the alarm at 6:00am but suddenly, I didn’t hear it. Naman kasi eh, ng dahil sa panaginip ko napasarap yung tulog ko.
“Weh? Sisihin daw ba ang panaginip?” kontra naman ng isip ko.
“Tse! Manahimik ka nga diyan. ‘Wag mo na ‘kong kontrahin pa.” sagot ko naman sa isip ko. Para nga akong engot eh, kasi kinakausap ko ng mag-isa ang sarili ko at kung minsan, nakikipag-away pa ‘ko tulad na lang ngayon. LOL! :D
Makapag-ayos na nga para hindi ako ma-late sa klase ko :D
After 45 mins…
“Wilhelmina! Ano ba? Matagal ka pa ba diyan?”
Si mama yung tumatawag sakin. Haha. “Bababa na po!”
“Bilisan mo na. Kumain ka na dito.”
“Opo!” Makababa na nga at baka sumigaw na naman si Mama. Hehe :D
“Good morning, ‘ma :D “
“Morning din. Kain na at baka ma-late ka pa.”
“Kayo po?”
“Mamaya na ‘ko at di pa ‘ko nagugutom.”
“Si Kuya nga po pala?”
“Ayun tulog pa. Next week pa daw ang pasok niya.”
Ayy oo nga pala, First year college na ang kuya ko. Haha. He’s taking up Mechanical Engineering. Ako naman, third year high school na this year :D yey! Makakapag-JS Prom na rin ako. Haha. Excited lang eh noh? LOL.
Si Dad nga pala wala dito. Nasa England siya at nagtatrabaho bilang Engineer sa isang company. Umuuwi naman yun every December :)
Dalawa lang kaming magkapatid. May sunod pa sana sakin kaso nakunan noon si Mama at dahil sa takot, hindi na ulit nagbuntis si Mama. Kaya ako na yung bunso nina Mama & Dad :)
----------------------------------------------
“Good morning po, Tita.”
“Ikaw pala Danniella, tuloy ka.”
“Hindi na po, susunduin ko lang po si Mina para sabay na po kaming pumasok.”
“O siya at tatawagin ko na. Nag-almusal ka na ba?”
“Opo tapos na po, thank you po.”
“Wilhelmina! Andito na si Danniella. Bilisan mo na diyan.”
Andito na pala si Danni, yung isa sa mga bestfriends ko. Magkalapit lang ang bahay namin, dun lang sila sa kabilang block kaya naman lagi kaming sabay kung pumasok at umuwi.
“Sige po ‘Ma, alis na po kami ni Dannie.” Paalam ko kay Mama at nag-goodbye kiss na rin ako.haha
“O siya sige, mag-iingat kayo ha.”
“Opo :)” sabay pa naming sagot ni Dannie. Haha.
-------------------------------------------------------------