Third Person's POV
Isla Mabaragat
"Inay! Inay! Inay!"
Dalawang batang babae ang tumatakbo mula sa dagat papunta sa matandang babaeng nagbibilad ng daing sa kanilang tahanan.
Nang makalapit ito sa kanyang harapan, parehas silang pagod at humahangos na dalawa.
"Ano ba ang inyong pinagkakaguluhan?! Jamel? Jenel?" tanong sa kanila ng matanda.
"Kasi po inay, may nakita po kaming babae sa buhanginan! Halika! Tingnan ninyo!"
Dali-dali silang naglakad sa buhanginan at nakita ang babaeng may sugat sa ulo at namumutla na nakahiga doon. Punit-punit ang damit at maraming galos sa katawan. Wala itong malay at puno ng buhangin ang katawan.
Agad na nataranta ang matanda. "Aldo! Aldo! Halika rito! Tulungan mo ako!" sigaw ng matanda.
Sa maliit na kubo kung saan nanggaling ang matanda, mayroong matandang lalaki na nakapangisdang suot ang lumabas. Puti na ang buhok ngunit matikas pa rin ang kanyang pangagatawan.
Tumakbo ito sa matanda at agad na nakita ang babaeng nakahiga. Binuhat nya ito at dinala sa kubo.
Makalipas ang ilang oras ng panggagamot sa babae, nagluto na sila ng pagkain sapagkat malapit ng maghapunan at dadating ang kanilang panganay na anak na lalaki. Si Gani.
~~~~~~~~~~~~
Her's POV
Isla Mabaragat
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at nakita ang isang kisame na gawa sa purong kawayan.
Dahan-dahan akong tumayo at luminga-linga sa buong paligid. Kubo. Nasa isang kubo ako. Nasa isang kubo ako ngaunit hindi pangkaraniwan ang laki. Marami itong gamit sa loob at parehong nangingintab ang ang mga kurtina sapagkat ito'y gawa sa purong mga kabibe at koral. Napakaganda.
Meron ito dalawang kawayang upuan na nasa magkabilang gilid ko, habang itong akin naman ay mahaba. Dinamdam ko ang aking sarili.
Masakit ng kaunti ang likod at isang binti ko habang ang ulo ko naman ay nababalutan ng isang puting tela at dahon.
Nakarinig ako ng ingay mula sa isang silid. Sinubukan kong maglakad ngunit agad na nanghina ang aking mga binti at bigla akong nakaramdam ng kaunting hilo. Dahil doon, mahina ako napadaing.
"A-Aray!" daing ko.
Biglang tumigil ang ingay mula sa silid na iyon at lumabas ang isang matandang babae, matandang lalaki at dalawang batang babaeng magkamukha. Lumabas din doon ang isang matangkad at matipunong lalaki. Gwapo ito at tama lang ang pagka-moreno. Matangos ang ilong, mayroong nakabibighaning mga mata at mapupulang labi. Hindi ko tuloy maiwasang humanga dahil sa pisikal nitong itsura.
Hindi ko na namalayang nakatulala na ako sa kanya kung kaya't napatingin din ang kanyang mga kasama sa aming dalawa.
"Iha, kamusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang lumapit sa akin ang matanda at pinaupo ako.
Wala akong masabi. Kamusta na nga ba ako? Sino...ba....ako? Tingnan ko sila puno ng pagtataka at biglang lumayo.
"Iha, wag kang mag-alala. Mga mabubuti kaming tao. Ako nga pala si Lina, mamang na lang ang itawag mo sa akin. Ito naman sina..." turo nya sa dalawang babae. "Jenel at Jamel, ang kambal ko. Si Aldo..." turo nya sa matandang lalaki. " naman itong asawa ko at sya naman si..." turo nya sa gwapong lalaki. "Gani, ang aking panganay na anak na lalaki."
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a serial killer(ON-GOING)
Romance"Try and touch him. Do everything that will hurt him...but don't expect that you won't get anything in return..."