Someone's POV
Magandang gabi mga kababayan, bandang alas-otso ng gabi ng mangyari ang di-inaasahang pangyayari katulad nito. Nahulog ang sinasakyan na kotse ni Ms. Valerie Preciousa Montrell sa tulay ng San Gaby Super Highway. Sa ngayon, hinahanap na ang katawan ng kawawang babae sa ilalim ng ilog. Iniimbistigahan pa ngayon ng pulisya kung ano ang naging dahilan ng aksidente. Ito si Janine Marquez, nagpapatrol.
~~~~~~~~~~~~~
Ngumisi ako nang marinig ang balita tungkol sa babaeng iyon. Hanggang ngayon hindi ko parin makakalimutan ang ginawa nya sa akin.
Sigurado akong patay na sya ngayon. Sa pagkaka-alam ko ay wala ng nakakaligtas sa ilog na iyon kaya't kamoante ako.
"Akin ang lahat na meron ka, Valerie..."
~~~~~~~~~~~
Her's POV
Isla Mabaragat
Makalipas ang ilang linggong pagpapagaling sa loob ng Isla Mabaragat, muli akong nakakalakad at ngayo'y nakikipaglaro kina Jenel at Jamel sa buhanginan.
"Ate Pilar! Halika rito oh! May starfish! Bilis!" masayang sabi ni Jenel sa akin.
Agad ako tumayo sa aking inuupuan at pumunta sa kanila. Umahon sa dagat sina Jamel at ipinakita sa akin ang isang kulay asul na starfish.
Napakaganda. Marami itong disenyo sa katawan na mas lalomg nagpaganda sa bagay na ito.
"Ate Pilar, pwede po ba natin sya angkinin?" tanong ni Jamel.
"Hindi pwede Jamel, mamamatay siya kapag kinuha natin sya sa dagat." singit ni Jenel.
Ngumuso sya at tiningnan ako. Umiling rin ako bilang pagsang-ayon kay Jenel. Mas lalo syang nanlumo dahil doon.
"Hayaan mo Jamel, babalikan natin sya dito tutal malapit lang ang dagat sa atin." nakangiti kong ani.
"Sige na nga po."
...
Matapos naming mananghalian kanina ay nandito nanaman kami sa dagat at hinihintay ang pagbalik kay Gani at Mang Aldo. Dumating kasi si Gani galing Maynila at sinubukang mangisda kasama ang kanyang ama. Doon sya nagtatrabaho bilang isang pribadong guro. Sem-break ngayon kaya nandito sya hanggang dalawang linggo sabi nya.
Dumating sila na marami ang nahuling isda. Ang iba pa nga doon ay buhay pa o humihinga.
"Gani my loves!!" sigaw mula sa kalayuan ni Tessa.
Matagal na itong may gusto kay Gani pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sya pinapansin.
"Andyan nanaman si Tessang baliw." bulong ni Jenel. Hinawakan ko sya sa balikat kung kaya't tumigil sya sa kakabulong. Ayaw kasi nito kay Tessa. Hindi ko rin naman sya masisi dahil walang kahit isang katangian si Tessa na kagusto-gusto.
Lumapit ito kay Gani at saka kumapit sa braso nito.
"Gani, mukhang marami kayong nahuli ah! Pwede pahingi?" maarte nitong sabi.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a serial killer(ON-GOING)
Romance"Try and touch him. Do everything that will hurt him...but don't expect that you won't get anything in return..."