CHAPTER SEVENTEEN

4 2 0
                                    

Her's POV

Isla Mabaragat

I-Isa ako sa pinaka-makapangyarihang babae sa buong pilipinas? Pero paano? Nalilito na ako sa nangyayari lalo't na at wala akong maalala maskin pangalan ko.

Pumunta kami sa Barangay Hall ng Isla pagkatapos na pagkatapos sabihin ni Katrina na ako ay ipinaghahanap ng pulisya.

~~~~~~~~~~

Magandang umaga sa inyong lahat, ating kaharap ngayon ang isang kamag-anak ni Ms. Montrell. Kanyang ibabahagi ang tungkol sa pagkawala at paghahanap kay Ms. Valerie. Sya ay walang iba kundi si Ms. Hera Jordine Laveste, pangawala sa pinakamakapangyarihan at pinaka-mayaman sa buong bansa.

Host: Ms. Laveste, mayroon va kayong sasabihin tungkol sa pagkawala ni Ms. Montrell?

Hera: Uhmm... Yes. To those who might know where she is, please direct contact me. Here is my number and the picture of my friend...

Sa pagsabi nya niyon, biglang lumitaw ang mga numero sa isang malaking screen ng TV pati litrato ko.

Hera: Huwag kayong tumawag sa ibang numero kundi ito lamang. Maraming salamat.

Natapos ang balita na walang isa sa amin ang nagbitaw ng salita.

"A-Ate Pilar, diba ikaw yung nasa TV?" basag ni Jamel.

"H-Hindi ko alam." tangi kong sagot dahil hindi parin nakakabawi sa pagkagulat.

Kahit ako ay litong-lito sa mga nangyayari ngunit isa lang ang alam ko, sigurado akong mayroong nasamang mangyayari sa akin kapag may ibang kinon-tact sina Katrina.

Kinakabahan. Yun ang nararamdaman ko ngayon. Siguro nga talagang minalas ako ngayon dahil merong nga inosenteng tao ang madadamay kapag mayroon na akong naalala tungkol sa totoo kong pagkatao, at iyon ang aking kinakatakutan sa lahat.

Umuwi kami sa bahay nang hindi nagsasalita. Kinon-tact narin ni Katrina si Hera kuno at sinabing pupunta na raw dito.

Makalipas ang dalawang oras ay may narinig kaming dagundong mula sa labas. Rinig na rinig namin iyon dahil bukod sa pare-pareho kaming hindi nagsasalita o nagkikibuan, malapit rin kami sa dagat.

Lumabas kami at nakita ang isang maliit na yate sa labas. Bumaba doon ang babaeng pamilyar sa akin. Sa maganda at sopistikada nitong postura, malalaman mo talagang isa syang mayaman.

Tinanggal nya ang kanyang salamin at tiningnan ako ng gulat na gulat. Tumakbo sya papunta sa akin at hindi man lang ininda na nalulubong nyang paa sa buhanginan.

"Oh my Hell! Valerie? Is that really you?!" una nyang bati sa akin saka niyakap ako nang mahigpit.

"Uh..uhmm..." tanging sabi ko. Bigla kasi akong nailang sa posisyong namin ito. Ni hindi ko nga sya maalala pero ngayon nakayakap sya sa akin.

Bumitaw sya sa akin saka tiningnan ako ng maiigi. Hinawakan nya ang aking magkabilang pisngi.

"God! I can't believe it's you! Hindi ko kasi makita ang sopistikada at nakakatakot mong awra ngayon, Valerie." sabi nya saka ako niyakap muli.

"Kilala mo ba ako? Do you know where you live? Anong nangyari sa'yo? Are you okay?" sunod sunod nyang tanong.

"Dahan dahan lang sa pagtatanong, wala syang naalala kaya wag mo syang biglain." singit ni Gani saka itinago ako sa kanyang likod.

My Girlfriend is a serial killer(ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon