Hello guys para dito sa tulang ginawa ko I dedicate this to all people na nagstruggle sa buhay mapafamily, lovelife, friends and sa pag aaral. I just want you to know na matatapos din yan, merong time na para satin naman. Yung feeling na SATIN NA YUNG LIMELIGHT. Yung satisfaction yung deserve nating saya, makukuha din natin yan soon. Kaya laban lang hindi lang naman exclusive satin yung pain, yung feeling na gusto nating maggive up. Cheer up laban! Kaya ko, Kaya mo, Kaya nating lahat. :) - By: VG love you guys
Ilang araw at taon ang syang pinunu
Upang ang bagong bukas ay syang dumating
Mga ilang lungkot at saya ang syang nagdaan
Upang ang bukas na inaasam ay syang makamit
Hindi mawari ang syang laman ng damdamin
Hindi akalain na ito'y mararating
Hindi alam ang sasapitin pero puso'y handang harapin
Mga pangarap na syang kinakamit
Sa bagong bukas ay syang masisilayan
Makakamtan mga ngiti sa labi
Ang syang pupuno sa pusong pighati
Mga kamay na syang nagsumikap ay may kakahantungan
Sa bagong bukas na inaasam ay pusong liligaya
Kung ang inaasam na matagal ng inaasam
Ay syang tunay na makamit
Makamit ng isang ako na walang inisip kundi ang mabuti
Mabuti na lahat ay kinikinita ng lahat
Mga matang mapanghusga ay syang hanap
Sa bagong bukas na haharapin ay magkamali
Magkamali ang isang ako sa aksyon
Aksyon sa buhay na pinupuno
Sa bagong bukas na aking inilalaban
Inilalaban sa bagong bukas na walang kasiguraduhan
Ngunit ang isang ako ay syang pinaglalaban
Pinaglalaban sa abot ng makakaya
Sa bagong bukas ay walang mintis na sakit
Sakit na dala sa isang ako
Na walang hinahagap sa bukas
Na sana sa darating na bukas
Ang isang ako ay syang maging maligaya
Wagas at tunay sa buhay ang nais
Upang ang bagong bukas ay haharapin ng bukas palad
01-03-2020
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Pang Atin !!!
PoetryThis is where I compiled all my TULA. One of my hobby is to create a lot of Poems it depends to my mood HAHHAHAHH I hope you enjoy reading this. :) Love you - VG