Sa Pag iisa

1 0 0
                                    

12/1/22 - Thursday 

I make this piece to what I am feeling right now.


Sa libo libong tao sa mundo

May isang tao ang syang nakamasid na malayo

Ang isipan ay nalulunod sa kailaliman

Mga katanungang walang katapusan sa dami


Nag iisa, walang karamay

Mga matang kay bigat ang mailalarawan

Mga labing lungkot ang dala

Sa hamon ng buhay nag iisang hinaharap


Napapatanong sa sarili kung ito ba ay nakaukit?

Nakaukit na sya'y nag iisa sa paglakad

Paglakad sa buhay na kay hirap

Kahirapan na syang nagpapabigat sa sariling nag iisa


Sa bawat araw na lumilipas

Sa bawat oras, minuto, at sigundo

Sa buhay na mag isa

Walang karamay, Walang sya sa aking tabi


Paulit ulit na tanong sa aking sarili, Anong mali sakin?

Ako ba talaga ay itinadhanang mag isa

Ang sakit sa ulo, katawan kahit na pilit pinapaintindi 

Pero paulit ulit ding gusto na ding sumuko


Ano pa nga bang silbi kung wala kang mapagsasabihan

Walang sya na makakaintindi

Magpapakalma sa sarili 

Magsasabing magpatuloy ka, Andito lang ako


Ang sakit sakit na tipong gusto na lang sumuko

Dahil ang hirap, sa bawat pintig ng puso at isipan

Laging andyan yung tanong na, May mali ba sakin?

Tadhana ba na ako ay Mag isa?


Mga Tulang Pang Atin !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon