Ferris Wheel By: VG

2 0 0
                                    

Hi guys kamusta kayo? Sana nahinga pa kayo HAHAHAH 

So for this piece I wrote this for those relationships na hanggang kaibigan lang. :) 

sorry in advance mapanakit ito HAHAHAH love you guys - VG 


Naalala ko noong bata ako gusto kong makasakay

Makasakay sa isang ferris wheel

Lugar kung saan saya ang hatid sa lahat

Pero di ko akalain sa pagsakay ko ika'y aking makikilala

Na katulad ko naghahanap kung gaano ang pakiramdam na maging masaya


Lugar kung saan tayong dalawa

Dalawa na alam nating ating pagsasamahan

Ika'y parang isa sa kanya, Nakakapagpangiti sa akin

Pero akala ko tulad nya ko saya lang ang hatid sayo

May sakit din pala


Sa paggalaw nito alam nating dalawa

Dito na magsisimula

Na kasama natin ang isa't isa

Masaya ako ika'y kasama ko

Sana ganon rin ako, Saya lang ang hatid sayo


Maraming nasabi

Maraming napag usapan

Maraming nalaman 

Sa ating dalawa

Sana di lang dyan tumigil sa marami


Sa pagsakay natin doon nakilala ang isat't isa

Masaya ang pagsakay sa ferris wheel

Pero dahil kasama kita mas naging makabuluhan 

Sana ganon ka rin

Sa paglipas ng oras na tayo'y magkasama

Di na napansin na nasa taas na tayo


Nasa taas kung saan halo halo ang emosyon

Saya at lungkot  

Saya dahil nakarating tayo kung saan kasama 

Kita sa pagtanaw na sa hinaba haba nandyan ka

Di ako iniwan at nadyan ako di ka iniwan


Takot, takot kasi alam nating dalawa na patapos na

Patapos na ang masayang alaala 

Na naging parte sa ating dalawa

Sana ating pagkakaibigan ay di matapos

Tulad ng pagtatapos ng ating pagsakay



Maaaring patigilin natin ang pag ikot

At pahintuin natin sa taas

Ngunit alam natin di lang tayo

Di lang tayo ang syang nakasakay


At di natin pwedeng manipulahin kung ano ba ang nakatadhana

Alam nating dalawa na si tadhana ang may gawa

Sulitin natin ang panahon habang nasa taas tayo


Ilabas ang lahat lahat

Sabihin kung ano ang nasa loob nito

Pero alam natin sa lahat ng gagawin natin

May mababago at mababago


Alam nating walang permanente

Pero an gating pagkakaibigan

Sana maging permanente

Walang mabago at walang mawala


Ito na, ito na ang oras kung saan bababa na tayo

Bumaba sa lugar kung saan tayo'y nagtagpo

Lugar kung saan nakilala ang isa't isa

Akala ko saya lang ang makikita at mararamdaman


Pero dahil sayo nakakita ako ng taong higit pa

Ang pagpapahalaga sa iba kaysa sa sarili nya

Maswerte ang taong iyon

Dahil di mo siya hahayaang maging malungkot

Papasayahin mo sya

Kahit masaktan ka pa


At dyan ako bilib sayo

Iba ka at dapat lang pahalagahan

Sinong nagsabi na sa ating pagbaba

Dyan tayo magtatapos


Ang pagkakaibigan di lang dyan

Ang pagkakaibigan nasa puso ng bawat isa

At sa ating dalawa di iyon mawawala

Dahil naging parte na tayo ng isa't isa


Pwede naman nating ulitin ang pagsakay

At dagdagan pa ang masasayang alaala

Sa bawat isa

Dahil ang kasayahan di lang isang beses

Maraming pagkakataon tandaan mo yan


Naalala ko sabi mo sana may matutunan ka sa akin

Ako rin gusto kong matoto sayo

Kung gaano maging masaya kahit ano pa ang problema

At magpasaya ng iba


Para kang isang ferris wheel

Para sa lahat ang hatid na saya

Kahit nahihirapan go pa rin at di titigil

May fighting spirit sa lahat ng bagay


Masaya ako nakilala ko ang isang tulad mo

Di lang nakilala kundi naging parte na ng buhay ko

Naging kaibigan ko...

Mga Tulang Pang Atin !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon