Chapter 1 : D-day

11 0 0
                                    

Today is the day. It isn't my big day but it's my dad's. Inayusan na ako, taray diba? Hindi ko naman birthday pero inaayusan pa.

"And tada! Hay girl, sana kasing pretty kita. Jelly ako sa beauty mo!" sabi nung stylist na bakla habang pinapalo pa ako sa braso. Feeling close ka teh?

Hindi ko na sya pinansin at dumiretso nalang sa kwarto. Ano kaya mangyayare mamaya? Will it go well or nah? I always have this thought at the back of my mind, para prepared sa worst-case-scenario. But the real question is.. anong mangyayare saken pagkatapos non? Ang daming gumugulo sa utak ko. Nakakabaliw.

*knock knock*

"What?" I said as I opened the door.

"U-uh miss Iceanne, pinapatawag na po kayo. Sabi po ng dad nyo galingan nyo raw po." sabi ni yaya

Tumango ako at pumunta na sa staircase na napaka-sosyal. Mayaman kami, oo. May red carpet pa nga eh. Yung parang sa mga debut sa hotel. Ang pagkakaiba nga lang birthday celebration to ni dad and nasa mansion kami. Siguro kung iba to, kakabahan sila. Pero ako? Wala kong maramdamang kahit ano.

"Please all welcome my daughter, the heiress of Kwonjin Company!" I heard everyone clapped and I started walking down the stairs. Wow! all eyes on me hanggang makarating sa stage na naka-set up for this event.

"First of all, It's nice to meet you all. I'm Iceanne Kwon and i'm really happy to be here today. Having this opportunity to meet you all is a great pleasure. So pretty please take care of me, of our company, and our relationship as co-workers. Let's stay loyal and united as one. I'm looking forward to get to know you all better. And that's all I can say for now! I hope you enjoy today's event." At nginitian ko sila, that was my big finish. Bumaba ako ng stage and automatic na nag-change ang facial expression ko. I'm back.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ganon ang speech ko samantalang birthday celebration to. Isinabay kase nila ang pagpapakilala saken sa business partners ni dad kahit 19 years old palang ako. So I had to fake being interested with all these things on my plate from now on.

Pagtapos non ay sinalubong ako ni dad, ipapakilala raw ako personally sa bestfriend nya na isa ren sa pinaka importanteng partner ni dad.

As usual shake hands and hug kay...

"Hi hija! Call me tito Chen." ngumiti ang matandang to saken, pero kahit halatang magkaidaran sila ni dad, mukha parin silang mga binata.

"Ah, hello po. Nice meeting you tito Chen. I'll go ahead na po, I know may paguusapan pa kayo ni dad. Enjoy!" Wow, nakakapanibago na ganto ako pagdating sa business.

Grabe, gusto ko ng umalis sa party na to at magpahangin. Puro ka-platistikan ang nandito at di ko na kaya. Ito ang isa sa mga gawain na hirap akong gawin. Mas gusto ko nalang mag-isa.

Lumabas nalang ako sa veranda at tumingin sa buwan.

"Kuya, nakatingin ka ren sana sa moon ngayon. I miss you sobra. Hindi ko to kailangan gawin kung nandito ka, kung pwede lang sana kita pabalikin edi ginawa ko na. Kumusta ka na dyan? Baka may girlfriend ka na dyan ha. Haha. Pero kuya, kailan kaya ako magiging masaya?" sabi ko na parang ako lang ang nakadinig.

Nakita ko naman yung isang lalaki na nandito ren sa veranda at preskong nakaupo sa kabilang side. Tinitingnan nya ako na kala mo baliw ako. Problema nito?

Nakipagtitigan ako sakanya hanggang di ko narealize na face-to-face na pala kami.

"What?" tanong ko habang nakasimangot

"Wala lang, kala ko kase nababaliw ka na. Malungkot ka ba?"

Hindi ko sya pinansin at nag-walk out nalang ako. Badtrip eh, bakit ba ang feeling close ng mga tao ngayon?

"Wait miss!" habol nya kaya napatigil ako. "I just wanna tell you that you look stunning today." sabay ngiti. Luh! feeling pogi!

Lilingon na ako pero nilampasan nya naman ako. Aba kabastusan nya, oh well ganon ren naman ako. Quits lang.

Kaya naman dumiretso nalang ako sa comfort room at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Maganda nga ako. Pero baket di manlang napansin ni dad? Ni hindi nga nya ako tiningnan eh, nag-iisang anak pero walang pake! Makabalik na nga lang sa party baka hinahanap na ako don kahit gustong-gusto ko na bumalik sa kwarto.

And the party went well, malamang nag-enjoy sila. Eh ako hindi eh.

"Miss, may pinapasabi po dad nyo." sabi nung sumalubong saken na yaya habang umaakyat ako sa stairs since tapos na yung event.

"What is it?" iritado kong tanong.

"Bukas raw po may dinner kayo with the Del Luna's." Del Luna? Sila tito Chen ba yon?

"K. What time?" No choice nanaman.

"7 pm po." sabi ni yaya.

"Ok." Ilang years na ang lumipas pero wala naman ako gaanong naaalala sa childhood ko. As far as I can remember, di rin ako pinapakilala sa iba. Ngayon lang talaga kaya everything is new to me dahil tiga-obserba lang ako dati. Well, I guess my role as the heiress of Kwonjin Company is really starting.

vote, comment & share Apathy.
I dedicate this chapter to whoever is reading this as well as the rest of this.

R.A. (2020)

ApathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon