Chapter 2 : Del Luna

5 0 0
                                    

Time check: 6:55 pm
Oh no. Late ako nito, makakagalitan pa ako ni dad. Saya, diba? Paano ba naman kakagising ko lang.

Nagmadali ako and I drove papunta sa meeting place which is Del Luna's mansion. Buti nalang di ako naligaw, edi lalo akong na-late. Ganda ng place nila! Meron din silang infinity pool kase may-ari sila ng resort. Pero sa sobrang lawak, kulang nalang tumakbo ako papunta sa dining table nila eh. Hassle naka-heels pa man din ako!

"Iceanne." heard my dad. Oopsie, i'm dead.

"Ah.. hehe. I'm sorry for being late." Hindi na ako nagpaliwanag, walang kwenta rin naman.

"It's okay hija! Come join us here. Di pa naman kami nag-start mag-dinner eh. We were waiting for you." Buti pa si tito Chen ang bait. Yes, i'm comparing him with my dad right now.

I joined them and we started eating. I tried to finish my food quietly but I can't, sadyang ang dami lang nilang sinerve na food sa plate ko pero in fairness, galing ng chef nila!

"Don't force yourself if you can't." Lahat kami ay napatingin sa nagsalita. Ngayon ko lang sya napansin and guess what? He's the guy who complimented me last night. Nakakahiya, badtrip.

"Hija, he's right. Don't force yourself. Pero didn't you like the food?"

"Ah, no tito. I like the food but i'm already full. The food tastes great po! Ang galing ng chef nyo." at nginitian ko nalang sila except sa bwisit.

"Really? I guess Seven is a good cook." Tito proudly said and nagulat nalang ako may maid na kumuha ng plate ko.. so i'm done. Pero may sumabay eh, the guy in front of me just finished eating too. Kaya binigay nya na ren yung plate nya.

"Son, mind giving Iceanne a tour in our house?" tito Chen asked. So mag-ama nga sila, hindi halata.

This guy lend me his hand and I couldn't say no. Yuck! Ang corny naman nito! Feeling talaga. Then we headed out to their garden. Kahit madilim na it looked so romantic becaus of the christmas lights sa mga trees. Don't get me wrong, hindi ito romantic because i'm with him. Hmf.

Silence. Kala ko ba tour to? Bat wala manlang description? Wala atang balak magsalita to, puwes di rin ako magsasalita.

"Masarap ba?" i looked at him with confusion to his question.

"Yung shrimp alfredo. Masarap ba?" Oh. So he was talking about the meal.

"Oo." Matipid kong sagot.

"Ako nagluto non. Btw, I am Seven. Seven Del Luna." at inabot nya ang kamay nya saken. Huh? Sya nagluto?

"Ah. May silbi ka naman pala." May sound rude pero di ko alam ano dapat i-react eh. Masarap naman talaga, alangan bawiin ko.

"Grabe ka naman po lods! Ang dami ko kayang silbe!" sabi nya na nagmamayabang. Ano raw? Lods? Anong word yun hay pag-iisipin pa ko ng bwisit na to.

"Iceanne ang pangalan ko at hindi lods!"

"Sus di mo lang alam ano yung lods eh! Panay ka-sosyalan ka lang ata eh." Pang-aasar nya. Hindi naman ako sosyal pero bakit ba sya nangengealam!!

"K." pag di mo na gets, yan nalang isagot mo.

"Luh ang sungit! Pasalamat ka anak ka ni tito Richard kaya kita sinasamahan!"

"Edi wag mokong samahan duh." At di pa ko natigil don. "Pasalamat ka anak ka ni tito Chen!" at naglakad na ulit ako kahit di ko naman kabisado to. Agad naman nya kong hinabol at napunta kami sa may infinity pool. Ang ganda talaga dito! Ibang vibe mula sa mansion namin.

"Ganda no?" tanong nanaman nya na tinanguan ko lang.

"Ang ganda ni Iceanne." Dagdag nya pa na napatingin ako. Ok lang ba to?

"Ang sungit! Kala mo ang ganda!!" At iyon ang plot twist nya. Bwisit na to. Wala ba tong balak tumigil!!

"Alam mo? Manahimik ka nalang." sabi ko pero di ko pinahalatang disappointed ako.

Sino ba sya para ma-apektuhan ako diba? Si Seven lang sya, lalaking bwisit at ako si Iceanne... ano nga ba ako? Di ko na rin alam.

"Ok boss. Quiet nalang ako dito." sabi nya na parang nalungkot. Ano yan? Paawa effect? Di gumagana sakin yan!

At lumipas nga ang ilang minuto na nakatahimik lang sya. Gabing-gabi na at ang ganda ng buwan! Ang peaceful pag ganto tas mahangin pa. Pumikit lang ako sandali, naaalala ko nanaman si kuya..

*splash*

"OH. MY. GOD." nasabi ko na lamang habang sinusubukang umahon. Ang nangyare? Itinulak nya ba naman ako sa pool, I can't take this guy anymore. Bwisit.

Next thing I know, tumalon na rin sya at nag-swimming papunta sa akin. Ginagawa nito? Ano to night swimming? Naiisip ko ang mga katanungang ito habang napapatulala. Ang sakit ng ilong ko! Nasinghot ko yung tubig badtrip.

"Okay ka lang ba??" Sabi nyang puno ng pag-aalala. At nagulat na lang ako...

NAKAYAKAP SYA SAKIN!!

vote, comment & share Apathy.
I dedicate this chapter to whoever is reading this as well as the rest of this.

R.A. (2020)

ApathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon