Chapter 4: Swimsuit

4 0 0
                                    

Naging sobrang involved lang ako sa buhay ni dad, dire-diretso na ang ganap. Nakakapagod naman makisama. At ang malala pa, wala naman nga kong damit! So ano pang-swimming ko? Eto ring damit na pinangtulog ko or better yet, wag na kaya ako mag-swimming?

*knock knock*

"Good morning po ma'am! It's time for breakfast na po." sabi nung yaya kaya agad na rin akong dumiretso sa dining area. Buti nalang wala pa don yung bwisit! Tulog pa ata. Pero yey kase nandito sa sewon hehe

"Hi Sewon! What are you eating??" sabi ko at syempre tinabihan ko sya.

"My favworite!! Koko cwunch cereal!" he answered with his liveliest voice. Napaka-cute talaga!

"Can I have some coz that's ate's fave also." nakakainggit eh bakit ba?

"Uhmm.. okay!" tas shinare nya agad sakin yung bowl nya na punong-puno ng cereal. Parang isang lunok ylang yung milk dito ah. 1:3 yung ratio. Haha

Tila susubo na ko syempre gamit sarili kong spoon baka naman laway conscious ang batang to! Mahirap na, i-hate agad ako nito. Tas biglang... boom panes! Nilapag bigla ni Seven yung box ng Koko crunch sa harap ko.

"Oh yan! Wag mo agawan si sewon ng food. Ang takaw!" sabi nya. Totoo naman.. okay.. kasalanan ko sige.

"Sorry..." yan nalang nasabi ko at umupo na nang maayos. Nakaka-guilty naman. Na-sad ako bigla.

"Oh eto na yung bowl mo and yung fresh milk." nilapag nya rin yun kase plate yung nasa table since the breakfast is fried rice and bacon & eggs. Plus fruits!! Ngayon lang ulit ako may nakasabay mag-bfast honestly. Simula kase nagpunta sa heaven si kuya, puro work na ang inatupag ni dad.

"Thank you.." sabi ko kay Seven. Hello? Napagalitan ako nung bwisit pero ang thoughtful nya ha!

"Sewon, don't let ate Iceanne get your food ok!! Finish your food, you need to grow." sabi nya. Kita ko naman na mahal na mahal nya ang kapatid nya and that's nice.

"Pasensya na kung kala mo galit ako. Pinapataba ko lang yang kapatid ko. Lagi kase nyan pinapamigay pagkain nya pati sa nursery kaya ang payat nya eh."

"Ok lang Seven. :) sorry Sewon. Ate just really likes cereal but you, you should eat more!"

"It's okay ate Icewaanne. I like to share my foowd!" Masigla nya ulit na sabi. Nakakatuwa talaga ang batang to.

At sinimulan na namin kumain. Pero syempre pray muna at dahil kaming dalwa lang ni Seven ang magsisimulang kumain ay sabay kaming nag-pray. Sila dad at tito kase umalis daw kanina pang umaga para sunduin si tita sa airport, sana naman dumaan si dad sa mansion para kumuha ng damit namin no.

Speaking of the devil, ayan na pala sila daddy.

"Mommyyyyy!!!!" agad na takbo ni Sewon sa mom nya.

"Hello baby ko!! Ang pogi-pogi naman nito! Na-miss mo ba si mommy?" ayan lambingan na sila at nakatingin lang ako. Mamaya nalang ako babati-

"So here's my future daughter-in-law!! Ang ganda kahit bagong gising omg!" sabi ni tita nung nakita ako at agad na niyakap. Nakakahiya!! Tsaka ano raw? Daughter-in-law? Kay Seven? Just the thought of it makes me sick!

"At eto naman syempre isa pang pogi! My Seven! Kumusta naman ang galawan mo nak? Haha" parang excited na excited si tita. Sobrang jolly naman pala ng fam nila plus ang ganda nya pa! Di halata na 45 years old na.

"Kids, alam nyo ba ang dami kong gifts para sainyo! As well as for you Iceanne!" tuwang-tuwa ata sya sakin.

"So let's check it na coz I can't wait habang nagpprepare sila dad nyo for the pool party." sabi ni tita at hinatak agad kami sa sala.

Sinimulan nya ilabas ang mga dala nya simula sa sandamakmak na chocolates & souvenirs from Japan, laruan ni Sewon, sapatos ni Seven at...

"Hija! I want you to wear this later. Last night kase I heard na magpopool party daw tayo eh nagsshopping ako nun so I automatically bought you this swimsuit. I dont't know your size, I just kind of asked Seven about what he thinks.. so I hope it fits and you like it. Syempre meron din akong akin which you'll see later. Don't get too excited guys!" sabi nya while laughing with us and sila tito.

"Thank you so much po tita." hindi ko inexpect to ha. Tiningnan ko si Seven at agad syang umiwas ng tingin.

The gift-giving went on at may iba pa kong nakuha like foods and mga kaartehan. Sweet naman ni tita! Sometimes, I'm starting to think about my own mother. Hindi ko alam kung nasaan sya.

"Okay kids, i'll go na muna and prepare. So kayo rin magbihis na ata malapit na mag-lunch. I'm excited for the barbecue!!" tita said at agad na syang nagpunta sa kwarto. Pagkatapos ko ayusin yung mga nakuha ko ay agad narin akong nagbihis sa guestroom.

All I can say is wow! The swimsuits fits so well. Also, ang ganda nya coz plain red sya, classic. Nakakakilig pero nakakahiyang lumabas. For sure ijujudge ako since suot ko yung bigay sakin ni tita Sera. Kaya nagpalipas muna ako ng ilang minuto sa kwarto.

*knock knock* at ayan na nga!! Kinakabahan ako ano ba! Sabi ni yaya pumunta na sa pool.

Paglabas ko ay tila napatingin agad silang lahat sakin. Pero may isang pares ako ng mga mata na napansin agad. Si Seven.

vote, comment & share Apathy.
I dedicate this chapter to whoever is reading this as well as the rest of this.

R.A. (2020)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ApathyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon