Ang mga nilalaman po ng kwentong eto ay kathang isip ko lamang. Kung may pag kakatulad man po sa tao, bagay, lugar at pangyayari ay hindi sinasadya.
ARNALDO'S POV
What's wrong with me? Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit nag react ako ng ganon? Acting like a jealous boyfriend. Sinimsim ko na lang ang alak na hawak ko. Hindi maalis ang panibughong nararamdaman ko. Sobrang close naman nya sa lalaking yon, nakikita kong malaki ang gusto ng lalaki na yon kay Lindsay. Ibinaba ko ang basong hawak ko sa gilid ng pool at agad akong nag dive sa swimming pool. Apat na pabalik balik na pag langoy ang ginawa ko bago ako umahon at naupo sa gilid ng pool. Di ko namalayan ang paglapit ng mommy ko.
"Son how are you? Is there something bothering you?"
"I'm fine mom" ngiti ko pa kay mommy, sabay simsim sa alak na hawak ko.
"I know you anak. Kanina masigla kang umalis ng bahay,then pag uwi mo, nakabusangot ka na."
"Hay! Wala talaga akong maitago sayo mom" pagak kong tawa "I saw Lindsay talking with her guy best friend. Ewan ko,para akong nainis noong nakikita kong tumatawa sya."
"You like Lindsay?" Tanong ni mommy ng nakangiti.
"I think so" sagot ko. Yeah I like her,parang more than that pa nga, pero hindi ko na isinatinig.
"Hindi ka naman mag seselos kung hindi mo sya gusto."
"Hindi ako nag seselos mom."
"Mabait si Lindsay,napakagalang, mahinhin, napakahilig sa mga bata, masipag at magaling magturo. Most of all she's beautiful. No wonder may magkagusto sa kanyang lalaki, That guy na kausap nya, maybe he likes her." Napabaling ako kay mommy. Hay napaka galing talaga ni mommy.
"Fine! nagseselos nga ako mommy, pero hindi naman dapat, hindi naman kami, and besides kakikilala ko pa lang kay Lindsay mom."
"Basta gusto mo ang isang tao, its normal na makaramdam ka ng pag seselos, wala sa tagal o ikli ng panahon ng pag kakakilala. Instead of drinking, mag isip ka ng way para magustuhan ka ni Lindsay. Matutulog na ako. Goodnight son."
"Thanks mom, goodnight!" Sabay halik sa pisngi ni mommy.
Tumayo na rin ako at nagtungo na sa kwarto para maligo,may sariling bathroom ang kwarto ko. Pagkatapos ko maligo,nagsuot lamang ako ng boxer at nahiga na sa aking kama. Mukha ni Lindsay na nakangiti ang tanging nakikita ko. Tama si mommy, kailangan kong ipakita kay Lindsay na gusto ko sya. Bukas uumpisahan ko na.
Kinaumagahan
Maaga akong nagising para maagang makarating sa apartment ni Lindsay, nag take out ako ng breakfast sa isang fastfood chain. Pag tapat ko sa gate ay bumaba na agad ako bitbit ang mga dalang pagkain, huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
Nagulat pa si Lindsay pag kakita saakin, napatitig ako sa kanya,bagong ligo at nakarobang puti sya at may tuwalya sa buhok. Ang bango bango at ang ganda ganda nya."Ah sir! Good morning po! Ano pong ginagawa nyo dito?" Alanganing ngiting wika nya.
"Ah- eh go- good morning Lindsay! Ahh may dala akong pagkain, dinalan kita." Kandautal na sabi ko sabay pakita ng bitbit ko. (Shittt! Bakit ba nag istummer ako?)
"Nag abala pa po kayo. Pasok kayo sir, ahh sir mag bibihis muna ako ha" nahihiyang sambit nya.
"Sure. Ako na lang mag aayos nito ha." Hayyyyy malalim kong pag hinga pagkapasok nya sa loob ng kanyang kwarto. Inayos ko na sa lamesa ang mga dala ko, at naupo habang hinihintay ko ang paglabas nya.
Makalipas ang ilang minuto lumabas na sya ng naka uniporme. Napakaganda nya talaga, walang makeup and yet she is still beautiful. Nginitian nya ako.
"Ang aga nyo po sir. Ano pong meron?"
"I told you Lindsay,stop calling me sir and please pakialisin yung po, drop the formality, wala naman tayo sa workplace."
"Ayyy oo nga pala, sorry."
"Its ok. Let's eat muna bago tayo pumasok?"
"Sige pero sana hindi ka na nag abala"
"Hindi ito abala basta para sayo" ipinaghila ko na sya ng upuan at umupo sa katapat nya at nagsimula na kaming kumain. Tinitingnan ko ang bawat kilos nya, bawat subo at pag nguya.
Niligpit nya ang mga kinainan namin habang nakaupo ako sa upuan nya at hinihintay sya. Matapos nyang maghugas lumabas na kami at nagsimula ng maglakad patungo sa school.
Parehas kaming tahimik na naglalakad hanggang makarating sa school at maihatid ko na sya sa classroom.
"Thank you so much sir"
"Thank you din Lindsay."
YOU ARE READING
Miss prim and proper and mister serious!
RomanceLindsay Escobar 22years old,5"6 tall, maganda,makinis, maputi, matalino. a prim and proper grade one teacher at Bright Star School. Arnaldo Gomez. 26years old. 6"2 tall, gwapo, moreno, macho, matalino, seryoso, mayaman, anak ng may ari ng paaralan k...