First Love Never Dies?
Part 1
UNANG ARAW ng pasukan sa
Eskwelahan. At Isang dalagita ang nakatayo sa second floor ng Gorrecita building ng P.N.H.S At ang dalagitang iyon ay ako! Ako, si Nica. Nica G. Yoon, at nakatanaw ako sa ibaba habang pinag mamasdan ang paroo't parito ng mga kapwa ko estudyante. Nasa third year na ako, at habang wala pa ang aming guro ay minabuti ko na lamang na magpahangin sa labas. Halos kilala ko na rin ang mga mukha ng aking mga school mate. Ng bigla akong mapabaling at Napatingin sa taong tumabi sa akin na tumanaw rin sa baba ng building. Nginitian niya ako ng mapatingin siya sa akin.
"Hi,"
"Hello."
Palitan namin ng salita ng biglang akong kinilig. Aysus! Sino ba naman ang hindi kikiligin eh, kamukhang kamukha siya ng Ultimate Crush kong si Alvin. Yes! Si Alvin B. Yun lang ang maibigiay kong impormasyon sa crush ko. Hahahaha Ang sikat na myembro ng Anix na dancer sa aming school.
"Transferee ka?" nakangiting tanong ko sa kanya nang muling akong tumingin sa baba.
"Oo. Section G ka rin diba?"
"Oo, bakit? Section G ka rin?" gulat kong balik tanong sa kanya.
"Yup! Nakita kita kaninang pumasok sa room. By the way, ako pala si Janrae." nakangiting inilahad nito ang kamay sa akin.
At syempre, bumilis ang tibok ng echusera kong puso! "Nica" ani kong inabot ang kamay ng binatilyong si Janrae.
"Yay! Ang lambot ng kamay!" kinikilig na sigaw ng utak ko, ng matanaw ko ang aming adviser. "Nandito na pala si ma'am. Tara na sa loob." yaya ko na lamang sa kaklase kong pogi at binawi ang aking kamay at nagpatiuna na akong pumasok sa aming classroom.
Habang nag le-lecture ang adviser naming si Mrs. Jumayao ay hindi ko mapigilang tapunan ng tingin ang bagong kong kaklase. At ganun na lamang ang pamumula ng aking pisngi ng magtama ang aming mga mata dahil naka tingin din pala siya sa akin.
"Hoy, puso! Umayos ka!" biglang saway ko sa dumagundong kong puso ng magtama ang mata namin ni Janrae.
"Nic, kanina kapa tinitingnan ni Janrae." bulong ng katabi kong si Anna Soriano. Kaklase ko siya mula first year. Kasama rin namin sina Jessel Greta, Patchi Bayaran, Vergie Nachon, at Recie Flores.
Kaming anim ang palaging
Magkakasamang mag lakwatsa. Oppss, balik muna ako sa pamumula ng aking pisngi.
"Ha? Ahm.. Hayaan mo siya." sagot ko kay Anna na kunyari ay di ko siya pinapansin. Pero deep inside parang naiihi na ako sa kilig. Hanggang sa natapos ang ang dalawang subjects namin at nagkaruon kami ng breaktime. O recess ika nga.
Naiwan akong mag isa na nakatayo sa pinto ng classroom ng lumapit si Janrae. Hindi ko nga alam kung bakit mag isa lang ako noon. Matagal na kasi kaya nakalimutan ko na kung saang lupalop pumunta ang magagaling kong mga friendship hahaha.
"Hi, Nic. Meryinda tayo." yaya sakin ni Janrae. Syempre, nahiya naman ako. Eh kabago-bago palang naming magkakilala eh, yayain kaagad ako. Aba, pakipot muna akitch.
"Ay, huwag na! Busog pa kasi ako. Tsaka wala akong ganang kumain." sagot ko na lamang. Pero ang totoo, nagugutom na ako.
"Ganun ba?" kunyari nalungkot naman itong si Janrae.
"Ay, oo nga pala, kapatid mo ba si Alvin?" bigla kong natanong sa kanya. Kasi hindi talaga mapuknat sa isip ko ang supah crush kong si Alvin. Maliban kasi sa Dancer ito, eh sumasali pa ito sa Gymnastic.
"Hindi. Hindi ko siya kilala."
"Oh? Di nga?"
"Totoo. Di ko siya kilala." ulit pa ni Janrae.
"Kung hindi mo siya kilala, bakit magkamukha kayo?" pilit ko pa rin sa kanya. Medyo at ease na rin ako sa kanya at naoovercome ko na rin ang tinatawag na kilig at pinatay ko na rin si mr. hiya sa aking katawan.
Natawa na lamang si Janrae sa akin. Hindi ko nga rin alam kung bakit siya tumawa. Nang bigla siyang magsalita.
"Bakit? Kaano-ano mo si Alvin?"
Natigilan ako. At napaisip. Oo nga ano? Kaano ano ko ba talaga? Hahahah siya lang naman ang ultimate crush ko na kinababaliwan ko ehhh.
"Yung totoo?" wika ko sa ka ya na napatango naman ito. "Crush ko yun." nakangiting sambit ko sa kanya at bigla siyang natigilan. Maya-maya pa ay may gumuhit na ngiti sa kanyang labi. At hindi ko alam kung bakit.
Marami pa kaming pinag usapan pero nakalimutan ko na rin kung ano yun. Kaya fast forward ko nalang. Doon na nagsimula ang lahat. Medyo close na rin kami ni Janrae. May sarili na rin itong kabarkada na kakalase rin namin. Sina Diego, Romar, Joemar, Judy, at marami pa. Nakalimutan ko ulit yun lang ang naalala ko.
Dahil magaan naman ang loob ko kay Janrae, naging mabuti kaming magkaibigan. Magkaibigan lang as in Friendship lang talaga. At dahil sa sobrang close namin ay hindi na talaga ako nailang sa kanya. Ah, ewan! Feeling ko Nawala yata ang crush ko sa kanya! Dahil hindi na dumadagundong ang puso ko pag magkalapit kami sa isa't isa.
At take note: mas lalong dumami ang nagkakagusto kay Janrae dahil sa edad nitong 18 ay macho na itong tingnan.
Oo! 18 na siya, dahil nag stop pala siya ng dalawang taon
O tatlo. Hindi ko alam kung anong dahilan hindi naman niya naikwento eh. Oh, siya! Doon na tayo sa maraming nagkakagusto kay Janrae.
Dahil nga may itsura si Janrae at halata ang abs nito sa katawan ay maraming kababaihang nagkagusto sa kanya. Lalong lalo na isa itong varsity. Napili itong isa sa the best na basketball player sa school namin. Ako naman ay deadma. Etchus!!! As in deadma!
Pero infairness, dahil feeling ko, isa akong prensisa. Hahahaha. Kasi pagdating ko sa school, may nakareserba nang upuan para sa akin. Agawan kasi ng upuan dati eh. Sa sobrang dami ng estudyante kinulang na kami ng silya. Yung
Monobloc ba. Hahahaha
May taga-buhat na rin ng bag ko, libro at pati payong! Wow! Ha! Ganun ba ako ka espesyal para dito at sa barkada nito? Kasi nasa akin ang atensyon nilang magka barkada. Hindi ko nga rin alam kung bakit. Hindi naman ako ganun kaganda para maging ganun sila sa akin. Ay ewan!
Lalo na pag exam, nagbabayad muna kami ng tatlong piso para sa test paper. Aba! Lagi akong libre. Samantalang sina Jessel Greta, Patchi Bayaran, Vergie Nachon, Recie Flore at Anna Soriano ay nagbabayad. Ako always libre. Hahaha
Pagwala rin akong ballpen, ibibigay ni Janrae yung ballpen niya sa akin at manghiram sa mga barkada niya. Basta! Ang bait ni Janrae. Fast forward ulit...
BINABASA MO ANG
Short Stories
Short StoryShort Stories Section! Ay este, Collection Pala.. Hahahaha! At May Ganoon pala? hahahaha! Short Stories lang po ang lahat ng nandito.