First Love Never Dies?
Part 2
Isang hapon, bago kami umuwi...
"Nic, sama ka naman mamaya. May laro kami sa gym." yaya ni Janrae sa akin. Pero ewan ko nga ba kung bakit tamad akong manood lagi ng laro nila na kahit anong pilit niya ay hindi ako sumasama.
"Cleaners ko eh! Tsaka nalang. Maraming laro pa naman siguro ang malalaro mo diba?" sagot ko kay Janrae na nginitian ko pa.
"Palagi ka nalang ganyan. Ni minsan di ka naman nanuod eh." Biglang tampo nito.
"Cleaners ko nga eh! Tsaka marami pa kaming lilinisin dito sa classroom. Promise sa susunod manunuod na ako." muling sagot ko sa kanya. "Kung hindi ko lang cleaners ngayon, manunuod ako." dagdag ko pa.
"Tutulungan nalang kita para, matapos agad!" pilit pa rin ni Janrae na tila nabuhayan ng dugo. Ay este ng loob pala.
"Ay huwag na. Kayang kaya na namin ito." kaila ko nanaman. Hanggang dumaan sina Diego, Romar, at Judy.
"Tara na, Jan! Alis na tayo para makapag praktis pa tayo." yaya ni Diego sa kaibigang si Janrae.
"Tulungan muna natin sina Nica, para sabay na tayong pumunta sa gym." baling ni Janrae sa mga kaibigan at binalingan ako.
"Tangkuloy ka talaga Jan! O siya, kunin mo na ang walis dun at magwalis ka!" inis na sambit ko kay Janrae.
Minsan naiinis na ako sa sobrang lapit namin ni Janrae. Yung sobrang pangingialam niya sa akin. Yung lahat andun siya. Laging nakasunod, magkatabi ng upuan and so on. Ayon mabilis ring gumalaw yung barkada nj Janrae. Ang mga loko-loko at sila ang naglinis ng class room hahaha.
Samantalang kaming mga tamad ay kunyari papunas punas lang ng book shelves. Hanggang dumaan ang labin limang minuto eh super clean na ang class room. Kaya napasunod na rin ako sa gym para manuod ng laro nina Janrae.
Nang mag umpisa ang laro aysus! Sobrang ingay ng hiyawan ng mga kababaihan. Yung, naririndi ka sa sobrang lakas. At mabilis akong napabaling nang tingin sa ibabang hanay ng gym, dahil sa sobrang lakas ng tili ng isa kung kaklase.
"Janrae!!!! Shooootttt!! Go go go!!!!!" bigla akong nakaramdam ng inis kay Nalyn. Kasi, halos mapugto na ang hininga niya sa kakasigaw kay Janrae. Ano? Papansin? Hayst! Ewan ko sayo Nalyn.
Natapos ang laro at masaya kaming umuwi dahil panalo nanaman sina Janrae.
Dumaan pa ang mga araw at lagi kong nahuhuling nakatingin sa akin si Janrae. Hindi ko naman alintana ang mga titig niya kasi parang bestfriend na rin kami eh. Parang no malice na yun sa akin. Kasi comfortable naman ako sa kanya. Tsaka simula ng maging magkaibigan kami ay nawala na yata ang paghanga ko sa kanya. Di tulad ng 1st month naming magkakilala at maging mag kaibigan na lagi akong kinikilig pag mag kasama kami. Ayun nagbago nga ang feelings ko sa kanya. Biglang nawala ang tinatawag na spark.
Ilang buwan pa ang dumaan at sumapit ang christmas. Kinausap ako ng masinsinan ni Janrae.
"Nic, pwede ba kitang ligawan?"
"Ha?! Ano?" gulat na reaksyon ko.
"Kung pwede ba kitang ligawan. Kasi, matagal na kitang gusto eh."
"Uy! Janrae! Huwag ka ngang magbiro sa akin ng ganyan.! No! No! A big NO!"
"Bakit ayaw mo?"
"Oo! Ayaw ko! Tsaka friendship lang tayo. No more no less."
Sus! Masyado naman yata akong prangka. Ayun nasaktan si friendship Janrae. Pinilit pa rin ako. Pero, nagmamatigas pa rin ako na ayaw ko. Hanggang sa parang nailang na ako sa kanya. Medyo, iniiwasan ko na rin siya. Kasi iba na eh. Ayaw kong umasa siya sa akin. Kasi feeling ko, hindi ko na siya gusto at ayaw ko na siyang makasama. Nag disappear ang paghanga ko sa kanya noon. Ay ewan sa sarili ko!
Pilit pa rin siyang lumapit sa akin at naiinis ako kasi bunto't siya ng buntot sa akin. Nakakairita! Nakakasakal! Napupuno na ako sa kanya! Hanggang sa..
"Nic, hatid kita mamaya sa bahay niyo."
"Huwag na! Marunong naman akong umuwi."
"Sige na Nic, ihahatid kita."
"Huwag na na sabi eh! Ano ka bingi!?"
"Ah, basta.. Ihahatid kita!" pinal na sambit ni Janrae.
Tumaas ang dugo sa sinabi niya. Heto nanaman at pinapangunahan nanaman ako. Ito yung ayaw ko talaga sa isang lalaki.
"Subukan mong ihatid ako, at ipapahabol kita kay Dalmatian!" mataas ang boses kong sinagot sa kanya yun.
"Eh di, ipahabol mo. Basta ihahatid kita"
Sh*t hindi siya natakot sa aso kong malaking dalmatian. Pinagpilitan pa rin ang gusto kaya nadagdagan ang galit ko.
"Subukan mo akong ihatid, at sisigiraduhin ko sayong hinding hindi kana makakalapit sa akin. At huwag na huwag mo na akong kausapin!" sigaw ko kay Janrae at tinalikuran.
Napatingin sa amin ang iba pa naming kaklase. Pati yung mga kabarkada niya. Sinundan ako ng mga kaibigan at nagpupuyos talaga ako sa galit.
Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nagagalit sa kanya! May deperensya yata ako! Ah, ewan! Kaya yun.
Medyo, lumayo ang loob namin sa isa't isa. Pero lagi ko pa rin siyang nahuhuling nakatingin sa akin. At iniiwas naman siya ng tingin pag nahuhuli ko siya.
Kahit ganun, hindi pa rin nagbago yung pakikitungo ng barkada niya sa akin. Opppsss, di ko pala nabanggit na kaklase din namin ang kapatid niya. Pero di ko na babanggitin kong sino yun. :D
Lagi akong pinagsasabihan ng mga barkada niyang lagi daw si Janrae naglalasing. Laging ako daw ang bukam bibig nito. At Laging sinasabing ako lang daw ang mamahalin niya. Hala! Bakit ganun?
Kinausap ako ng kapatid nya. And shoot! Totoo nga ang sinasabi ng kabarkada niya. Na mahal talaga ako ni janrae. Pero ewan! Kung bakit parang naiilang ako. Parang merong something na hindi ko alam. At sinasabi ko sa sarili kong hindi! Hinding-hindi pwede na maging kami!
Pero yun pala ang pagkakamali ko. Dahil umeksina si Che-che. Ang kaklase naming over sa lahat ng ka-overan. Yung over sa lakad. Over sa pananamit. Over sa paghawak sa mga bagay bagay na nasa paligid. In short O.A. (Ang sama ko namang mag describe kay che-che )
"Nic, alam mo bang may gusto
Si Che-che kay Janrae?" siko sakin ni Patchi. Syempre nabigla ako. Parang merong something akong nararamdaman na iniignore ko na lamang. Kunyari deadma lang ako.
"Huh? 'Eh, ano ngayon?" balik tanong ko kay patchi.
"Wala lang. Pinapaalam ko lang sayo."
"At bakit mo naman sa akin pinapaalam? 'Eh hindi ko naman boyfriend si Janrae."
"Aw! Malay ko. Baka may feelings ka sa kanya." sagot niya sakin.
"Ay ewan ko sayo! Huwag mo ngang mabanggit-banggit sa akin yan!" inis kong wika kay Patchie. Kaya ayun natahimik.
BINABASA MO ANG
Short Stories
Short StoryShort Stories Section! Ay este, Collection Pala.. Hahahaha! At May Ganoon pala? hahahaha! Short Stories lang po ang lahat ng nandito.