First Love Never Dies?
Part 4
Nauna sina Janrae sa kanilang bahay, kasama ang ibang kaklase namin. Nag paiwan muna kami dahil may dinaanan pa kami ng aking mga kaibigan sa bayan. At tulad ng pangako kong susunod kami, ay heto ako at nag uurong sulong sa pag pasok sa gate ng bahay nina Janrae.
"Halika na Nic, dami ng bisita nila uh." baling ni Recie. Kaya napilitan na rin akong pumasok sa gate ng bahay nina Janrae.
Agad kaming sinalubong ng masayang mukha nito
Kasunod ang mga kabarkada nitong kasali sa basketball.
"Buti, nakarating kayo. Akala ko nag backout ka nanaman." ani nitong sa akin nakatingin.
"Nangako akong susunod diba?" nakangiting sagot ko, na pilit binabaliwa ang pagkailang na aking nararamdaman.
"Dito na sina Nica." narinig kong sambit ng kapatid ni Janrae. Di ko alam kong sinong pinagsabihan nito. Nakita ko nalang na sinalubong kami ng mama, at papa ni Janrae. Pati na rin yung dalawang kapatid niya.
Nang makalapit na kami sa magulang ni Janrae, ay masayang niyakap ako ng mama ni Janrae na ipinagtataka ko. Pero ngumiti na lamang ako at isinantabi ang aking pagtataka.
"Buti, nakarating ka Nica." masayang wika ng mama ni Janrae.
"Musta po, tita? Sorry po, late na nga kami. May dinaanan pa kasi kami sa bayan." nahihiyang sagot ko sa ginang.
"Siya ba yun? Kay gandang bata pala." ani ng papa ni Janrae.
"Oo, siya nga pa. Si Nica Yoon." pakilala naman sa amin ng kapatid ni Janrae na kaklase namin.
"Aba'y papasukin mo muna sila anak." sabad ng mama nito.
"Tara, pasok na muna kayo." masayang yaya ni Janrae sa amin. Agad naman kaming sumama dahil sa nakakaramdam na ako ng awkwardness sa ikinikilos ng magulang nina Janrae.
Asikasong-asikaso kami ng magulang ni Janrae habang kumakain sa mesa. Kasama ang mga kapatid nitong hindi mapuknat ang mga ngiti sa labi habang nakatitig sa akin. Hanggang sa hindi na ako makatiis at hinila ko si Janrae, palabas ng kanilang bahay mg matapos na kaming kumain.
"Bakit ganun ang ina-akto ng pamilya mo? Naiilang na ako sa kanila." agad kong tanong kay Janrae ng nasa puno na kami ng mangga.
"Huwag ka ng magtaka. Alam kasi nilang..." hindi nito natuloy ang sinasabi na napabuntong hininga. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot. At hindi ko maipapaliwanag kung bakit parang dinudurog ang aking puso ng masilayan ang kalungkotan sa mata nito.
"Jan.." hinawakan ko siya sa balikat at humarap ito sa akin. Ngunit, hindi naman ako makapagsalita dahil walang katagang lumalabas sa aking labi. Matagal muna kaming natahimik, hanggang sa narinig kong bumuntong hininga ito bago nagsalita.
"Nic, alam ng pamilya kong mahal kita, na seryoso ako sa nararamdaman ko sayo. Alam din nilang ikaw lang ang iniyakan ko." seryosong sambit nito sa akin habang tinitigan ako sa mata. Habang ako naman ay tila may naghahabolang mga daga sa dibdib ko, dahil sa sinabi nito sa akin.
"Siguro nga nagmumukha na akong tanga. Na kahit ilang beses mo pa akong itulak palayo, ay hindi ko pa rin matanggap at maialis sa aking puso na ikaw lang minahal ko ng ganito." wika nitong hinawakan ang aking dalawang kamay.
"Jan--"
"Nic.." agaw nito sa sasabihin ko sa kanya. "Please, bigyan mo naman ako ng pagkakataong, ipakita at maipadama ko ang pagmamahal ko sayo. Please, Nic." pagsusumamo nitong ng biglang may kumislap na butil ng luha sa mata nito.
"Jan.." tanging nabanggit ko lamang dahil sa hindi ako makakapgsalita. Pakiramdam ko ay merong nakabara sa aking lalamunan na hindi ko maintindihan.
Masaya ako sa narinig ko mula sa labi ni Janrae. Hindi ko man maamin sa sarili ko, eh mahal ko na yata si Janrae. Siguro pilit ko lang sinisikil yung nararamdaman ko. Yung nagseselos ako sa ibang babaeng umaaligid dito. At ngayon, ngayong nakita ko at napatunayan kong mahal talaga ako ni Janrae, ay may kung anong nagtulak sa akin. Na bigla na lamang akong napayakap dito. And to his surprise sa ginawa ko, ay niyakap niya rin ako.
"I'm sorry, Jan. I'm sorry, kung nasaktan kita. Sorry kong pinahiya kita. Sorry kong---"
"Sshhhh.. Bakit ka nagso-sorry?" natatawang wika nito sa akin na bahagyang inilayo ang sarili at tiningnan ako sa mukha.
"Kasi.. Siguro.. Ano.."
"Kasi, siguro, ano, what?" natatawang ulit ni Janrae sa akin.
"I think.. I'm falling inlove with you.." nakayukong wika ko kay Janrae ng bigla na lamang akong magulat dahil sumigaw ito.
"Hoy! Ano ba! Tumahimik ka nga." pigil ko dito na bakas sa mukha nito ang kasayahan sa sinabi ko.
"Ano nga yung sinabi mo?" malawak ang ngiting ulit ni Janrae. Ako naman ay todo hiya to the max.
"Sige na, ano nga yung sinabi mo?" pangungulit pa nitong hawak ang aking kamay.
"I think, I'm falling inlove with you."
"Yes!!" malakas na sigaw ulit ni Janrae at mas lalong namula ang aking pisngi dahil sa amin na nakatingin ang lahat. "Yes!!" ulit ni Janrae na bigla akong niyakap.
"Ibig sabihin, sinasagot mo na ako?"
Nahihiyang napayuko nalang ako bilang sagot sa tanong niya. Pero sadyang makulit nga si Janrae at ayaw niyang yuyuko lang ako.
"Say it." ani nito.
"Ha? What do you mean?"
"Say it. That you love me." nakangiti pa ring wika nito na hindi na naalis ang kasayahan sa mukha nito.
"Ang arte mo ah! Mamaya babawiin ko pa yun sige ka," at napatawa na rin ako sa kanya.
"Sige na please, sabihin mo na. Gusto kong marinig galing mismo sa labi mo na mahal mo na ako."
Nakangiti akong napabuntong hininga. May kakulitan talaga itong si Janrae. Kaya tiningnan ko siya sa mukha.
"Oo, mahal kita. Siguro, bulag lang itong puso ko. O di kaya'y nag bubulag bulagan lang dahil hindi ko maamin sa sarili ko noon, na mahal pala kita. Mahal kita, Janrae Mendoza, maniwala ka. Promise." mahabang sagot ko sa kanya na napalundag pa ito sa narinig. Kasabay nun ay masayang nagsilapitan ang mga kaklase namin na may ngiti sa labi. Maliban kina Nalyn at Che-Che na tahimik lang na nakatingin sa amin.
"Teka, sandali lang. May itatanong ako." bulong ko sa kanya na muling hinila palayo sa kaklase naming nakisaya rin sa amin.
"Ano yun?" nakangiting tanong ni Janrae.
"Totoo ba ang nabasa ng mga kaibigan mong--"
"Ang sulat ko para sayo na First Love Never Dies?" agaw nitong nakangiti pa rin. Napayuko na lamang ako bilang tugon dito.
"Yes." napatingin ako sa mukha niya ng marinig ko yun.
"First Love Never Dies?" sambit ko sa aking sarili na niyakap si Janrae na may ngiti sa labi.
--=__Wakas__=--
BINABASA MO ANG
Short Stories
Short StoryShort Stories Section! Ay este, Collection Pala.. Hahahaha! At May Ganoon pala? hahahaha! Short Stories lang po ang lahat ng nandito.