Papa Love, I am in Love presents
Catch Me, I like how it feels!
Shared by: Papa Love/Jon DmurPart 1
(Si JonDmur po nagsulat nito, pinost ko lang dito kasi natatawa pa rin ako hahahaha)
“Minsan hinahanap mo si LOVE kahit ang totoo nasa tabi mo lamang siya. Nagiging bulag ka lang kasi iba ang pinapangarap mong makasama.” – jondmur
KABADO si Cattleya Mae habang bumababa ng jeep. Hindi niya tiyak kung itutuloy pa ba niya ang plano niya – ang makipagkita sa text mate niya. Halos kumabog ang dibdib niya nang muling mag-beep ang cellphone niya. O, ginoo ko! ma watch daw kami sang movie? aniya sa kanyang sarili habang umaakyat ng escalator. Sa isang mall sa Iloilo sila magkikita ng ka-textmate niya.
Napataas ang kilay niya nang masulyapan ang isang lalaking naka jacket. Nakatalikod ito habang tinitingnan ang isang movie poster. Malakas ang pakiramdam niya na ito ang ka-textmate niya. At napatunayan niya ito nang mag-ring ang cellphone nito nang idinial niya ang number ng ka textmate niya. Her lips curved into a smile na siyang nagpapibilis ng tibok ng puso niya.
“Enrique?” Lumingon ang lalaki na siyang ikinagulat niya. Butas butas ang mukha nito at halos iisang ngipin na lamang ang nakikita niya.
Homaygulay! Wake up Cattleya! Ano ang napasok mo?
“Yes! I’m Enrique Iglesias from Iloilo City!” Halos mapasigaw siya nang malaglag ang nag-iisang pustiso nito. Hindi naman siya against sa mga di ka-gwapuhan kaya lang iba ang pagpapakilala nito sa kanya.
“I-ikaw? Manong, ang pustiso n’yo nahulog.” Ngumiti ang katukayo ng idol niya na siyang nagpalabas sa gilagid nito. Tama nga ang hinala niya. Iisa lang ang ngipin nito at pustiso pa. Ilang saglit pa, tumalikod ito upang pulutin ang nahulog na ipin.
Takbo! Cattleya! Takbo!
Halos maghabulan ang kanyang mga paa habang bumababa ng escalator. Hindi niya akalain na mangyayari sa kanya ang eksenang ito. Ang buong akala niya kasing gwapo ng idolo niya ang Enrique Iglesias na nakilala niya.
O, Hinde!
Isang kabanata ng kanyang buhay ang paghahanap ng prince charming. At iisa lamang ang pinapangarap niya – ang maligawan ni Enrique Iglesias.
“W-what?” halos lumuwa ang mga mata ng kaibigan nang mai-kwento niya ang nangyari sa eyeball. Kasunod nang pagka-shock nito ang paghalakhak ng kaibigang manilenya.
“Mare, baka malaglag ang pustiso mo sa katatawa mo?” biro niya kay Zaira.
“Eh sino ba naman ang hindi matatawa? Isipin mo ang ganda ng pangalan pero ang ipin iisa lang,” wika nito na siyang sinabayan ng malutong na halakhak. “Basta ako, kontento na ako kay gwapito.”
“Oo nga! Kelan ba balik mo ng Maynila? Gusto kong sumama para makapanood ako ng concert ng idol ko.” Tumayo siya saka tumingin sa kawalan. “Malay mo makita niya ako at ma in love siya sa akin.”
“Ambisyosa! Sikat na sikat ang idol mo and take note artista ‘yun. Eh, ikaw? Isang Ilongga na na nakikipag text mate sa mga katukayo niya,” malakas na wika ni Zaira na siyang ikinabingi niya.
“Excuse me! May nakilala ako.” Ngumiti siya saka pinagmasdan ang kaibigan. “Ka look a like niya si Enrique,” malanding sabi niya sa kaibigan.
“Sa text mo nakilala?”
“Sa facebook.”
“Talaga?! As in gwapo talaga?” Nadagdagan ang pagkakilig niya nang makita sa mga mata ng kaibigan ang pagkakilig. Hanggang sinabayan na siya nito sa katitili. “Go girls! Makipag – meet ka na. Go! Go! Girls!”
BINABASA MO ANG
Short Stories
Historia CortaShort Stories Section! Ay este, Collection Pala.. Hahahaha! At May Ganoon pala? hahahaha! Short Stories lang po ang lahat ng nandito.