Panglabing-siyam.

586 43 3
                                    

Panglabing-siyam.

//Kat'//

Sinilip ko ang resort mula sa pagtatago sa likod ng talahib. Walang tao akong natatanaw. Mukhang safe na umalis palayo rito habang walang tao.

"Let's go." Aya ko.

"I'm scared they will see us." Rona said.

"Let's crawl then." Louie suggest.

Kaya naman gumapang kami sa tubig, sa likuran ng malalaking talahib na nakatanim sa ilog. The crawling almost felt like we're just swimming. Pero hindi nagtagal sa batuhan na kami gumapang lalo pa at naubos na ang talahib sa tubig. Kaya naman sobrang sakit sa tuhod at palad.

Habang gumagapang palayo, palingon-lingon kami lalo pa at ang kabilang panig ay ang resort lang. Mukhang sobrang lawak talaga dahil kakulay pa rin ng pader ang natatanaw namin.

Hidni nagtagal naputol din ang kulay at ibang kulay naman ng pader. May kataasan na rin iyon kaya naman napagpasyahan na namin na tumayo at maghugas ng tuhod at mga dumi sa katawan bago mabilis na naglakad palayo.

Magkakahawak kami sa kamay habang naglalakad sa batuhan. Naawa ako sa kanilang dalawa dahil wala silang tsinelas. Pinapagitnaan pa nila ako para alalayan.

"Tell me if your feet hurts so we can stop walking." I told them.

"Ayos lang ako masarap kaya nakapaa." Louie told me.

"Ako rin, inaalala ko lang wala tayong panlaban kapag may nasalubong tayong lefters." Rona said.

"Magtingin-tingin na ng pamalo sa paligid at magtingin-tingin na rin ng lefters. Nakaligtas nga tayo sa mga putanginang iyon sa lefters naman tayo madadali." Louie said.

Nagtingin-tingin ako ng mga sanga na puwedeng pamalo kaso puro bato at talahib ang nakikita ko. Parang napapalibutan na kami ng ilog at mga talahib. Saan kaya ang labasan?

Hindi nagtagal may natanaw kaming tulay na kahoy. Mabilis namin iyong tinungo at nagtulungan na makaakyat sa taas habang kumakapit sa isa't-isa at mga damong mahahaba.

Saktong pag-akyat namin biglang lumiwanag dahil sa sikat ng araw.

"Grabe anong oras pa lang ang dami na nating pinagdaanan." Louie exclaimed at nauna ng tumawid sa tulay na kahoy. Nag-alala pa ako ng makitang sira iyon at may mga tabla ng bawas.

"Hindi ba ang kabila nito 'yong resort?" Rona asked na nakapagpahinto sa amin ni Louie.

Napatingin ako sa paligid. Puro damuhan at matataas pa 'yong iba. Mukhang mataas na parte ito ng kung ano at wala akong nakikitang bahay.

"Mukhang malayo naman na tayo doon. Tara na."

Kaya naman sumunod na kami kay Louie habang maingat na humahakbang.

"Saan tayo?" Tanong ulit ni Rona.

"Hanapin ang kalsada. Hindi ko alam kung madadaanan tayo nila Blake sa daan. But I'm wishing for that to happen." Sagot ni Louie. "But we need to be careful with those shitheads and sa mga lefters. At kung susuwertehin uuwi sa resort."

Nang makatawid kami sa tulay, hinila ni Louie ang hawakan ng tulay na nakalaylay. Para siguro pang laban. Kaya naman ganon din ang ginawa namin ni Rona kaya lahat kami may panglaban na sa mga lefters.

Magkakatabi kaming naglalakad at ako pa rin ang nasa gitna nila. Palingon-lingon din kami sa paligid para sa mga tao at lefters na maaari naming makasalubong.

"Nakakatakot naman baka may biglang lumabas na mga lefters sa damuhan." Rona said.

Matataas kasi ang damo sa paligid. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa kabilang panig ng damo. Kung mga bahay na ba o kalsada.

Left (Season 5): Misery.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon