Ikaanim na Kabanata: Cielo.
Ilang linggo na kaming nagkikita nang patago ni Estevan. Tunay ngang ang hirap na ng pinagdadaanan naming dalawa ngayon. Tutol na tutol ang aming mga ama sa pag-iibigan namin. Madalas, nagkikita kami sa Lungsod Quezon. Kunwa'y sinasabi ko lamang sa aking ama na may pupuntahan lamang akong kaibigan sa lungsod. Ngunit, kaming dalawa ni Alfonso ay sadyang hindi matiis ang isa't-isa at magkikita nang hindi nila malalaman.
"O aking irog, ganito ba talaga kahirap ang kahihinatnan ng ating pag-ibig?" Nagiging manunula na naman si Alfonso.
"Ako'y litong-lito na rin. Tila kusa tayong pinaglalayo ng tadhana. Ngunit hindi ako makapapayag na maging lilo marahil lamang sa hindi nila ninanais ang ating pag-iibigan." Ang mga luha ko'y tumulo na lamang kasabay ng mga salitang namutawi sa aking labi.
"Ako man, aking irog. Mawawala ako sa katinuan sa oras na hindi ko na makita ang iyong kariktan, ang iyong mga matang puno ng ligaya, at ang labi mong kasinglambot ng mga ulap sa kalangitan." Inakbayan niya ako at inawitan ng isang kundiman.
Nakikinig lamang ako sa kanyang boses na kasinglambing ng isang crooner sa Britanya. Tila siya ang lalaking kahalintulad no'n. Panay lamang ang pagkanta niya at kasabay noon ay ang pag-ihip ng hangin at pagsaway ng mga puno sa saliw ng hanging umiihip.
"Nagustuhan mo ba ang aking awit para sa iyo?" Tanong niya na hinding-hindi mo rin masasagot ng 'hindi'.
"Oo. Ang boses mo na yata ang nanaisin kong marinig sa isang buong araw, o panghabangbuhay man." At ngumiti ako nang marikit sa kanya.
"Huwag na huwag mong ihaharap ang iyong mukha sa 'kin, lalo na kapag ngumingiti ka."
Nagtaka na lang ako sa sinabi niya. "Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.
"Nawawala ako sa sarili ko kapag nakikita ko ang iyong mga ngiti. Pakiramdam ko ngayon ako na ang pinakamapalad na nilalang sa mundong ito."
Mariin naming niyakap ang isa't-isa habang nasa likod ng mga mayayabong na puno. Nag-iingat kami na makita kaming dalawa. Hinagkan niya rin ako nang mariin.
"Hindi ko nais na habangbuhay na nakatago tayo sa likod ng mga punong ito habang ipinapakita sa isa't-isa ang pagmamahalan natin."
"Ngunit kailangan mo ring pakatatandaan na nakapinid pa ang isipan ng mga tao sa pagmamahalan nating dalawa." Napayuko na lamang siya at hinagkan akong muli. "Ikaw na lang yata ang natitirang tumpak at tama sa buhay ko." Kitang-kita ang lungkot sa kanyang mga mata.
Umalis na kaming dalawa sa likod ng mga puno at naglakad nang hindi magkahawak ang mga kamay namin. Maliwanag pa rin ang buong paligid. Makikita mo ring nag-iikot ang ibang tao dito. May iba namang nagpipinta. May nagpapatugtog ng violin at harmonica. Karamihan ng mga tao dito ay mula sa iba't-ibang escuela.
"Alam mo, Tevan. Darating din ang araw na unti-unting matatanggap ang pagmamahalan na tulad nang sa atin. Hindi man natin masusukat-akalain kung kailan darating ang panahong iyon. Datapwa't may iilang magiging masama pa rin ang tingin. Asahan na lamang natin na magiging katanggap-tanggap na ito sa hinaharap." Iyan ang mga salitang namutawi galing sa bibig ni Alfonso.
Ang sinag ng araw ay tila nawawala na. Sana'y tama ang nababanaag ni Alfonso sa hinaharap. Nais kong maabutan ang mga araw na iyon. Kahit man lamang bawas lang mula sa pagtingin sa aming dalawa, nanaisin ko pa ring mamuhay sa panahong iyon.
Sumapit na ang dapithapon at nagpasya na kaming umuwi bago umabot sa oras ng hapunan. Wala nang nakakaalam na nagkikita pa kami nang palihim. Kahit ang Tia Luisa ko sa Binondo ay hindi na rin alam ito.
Sinalubong ako ni Mama sa pinto. "Hijo, saan ka nanggaling?"
"Sa Ciudad Quezon, Mama."
"Ang Papa mo ay napupuyos na sa galit dahil maghapon kang nawala."
BINABASA MO ANG
Puesta Del Sol de Manila, 1945
Historical FictionNamuhay sina Estevan de Ramos at Alfonso Aboitiz sa panahon na kung saan ay itinuturing na isang mortal na kasalanan ang pag-ibig nila sa isa't-isa. Sa simula'y magiging maligaya naman sila. Ngunit hanggang saan ito patutungo? Magkakaroon ba sila ng...