Ikawalong Kabanata: Placer de amor
Circa Noviembre, 1940.
Tumagal na ang pag-iibigan naming dalawa ni Alfonso. Sadyang pinahihintulutan ng langit ang aming nararamdaman para sa isa't isa. Ano pa ba ang mahihiling ng isang hamak na katulad ko? Tila sinumpungan na ako nang lubusan. Ang tanging mahihiling ko na lamang ay ang makabalik na ang aking Papa galing sa España.
Mas lalo akong kinabahan sa aking nalaman sa telegrama na ipinadala ni Señor Valentino na ama ni Alfonso. Sabay naming binasa ang sulat na iyon. Nagitla kami sa aming nalaman. Bumuo ng isang samahan ang bansang Japon, Alemania at Italia. Sa pangunguna ni Adolf Hitler, mas nababanaag ko na magiging mas kagimbal-gimbal pa ang mangyayari. Kilala siya bilang isang makapangyarihang dictador sa bansang Alemania. Ipinahiwatig niya sa isa niyang talumpati ang labis niyang pagkamuhi sa mga Hudio. Binabalak ni Adolf na ipapatay lahat ng mga ito upang maghari ang lahi ng mga Aleman at mangangahulugang sila ang pinakapangunahing lahi sa balat ng lupa. At iyon ay nagpapahiwatig na tila sasapit na ang katapusan ng mundo.
Nandito ako ngayon sa cuarto ni Alfonso at nakahiga ako sa dibdib niya habang hinahaplos niya ang buhok ko.
"Ngayon ko na nadarama ang iyong naramdaman noong nakaraang taon, Tevan." Tila nangangatog ang tinig niya.
"Sinabi ko naman sa'yo, Fonso. Hindi na biro ang mga natatanggap nating balita galing sa Europa. Hindi ko nanaising madamay ang mamamayan ng Reino, lalo na ang ating mga ama."
"Manalig lamang tayo na hindi sila mapapasama. Sa tingin ko ay hindi iyon pahihitulutan ng langit."
"Nawa'y hindi iyon mangyari."
Hinalikan niya ang ulo ko at niyapos ako. Pinagagaan niya ang aking loob. Ako'y sadyang nababahala. Ngunit mas pipiliin ko na lang na huwag isipin 'yon. Bagkus, dapat kong pagtuunan ng pansin si Mama dahil makailang ulit ko na siyang dinala sa manggagamot ng aming pamilya.
"Tingnan mo nga ang langit, nakangiti lang. Sana ay ganoon ka rin, Tevan. Isipin mo naman ang sarili mo kahit na minsan lang. Paano na lang tayong dalawa kung palagi na lang nating iisiping may mangyayaring masama?"
"Tama ka nga, Fonso. Ngunit hindi mo na maiaalis sa akin ang pag-aalala. Sana ay lagi kang nariyan sa tuwing kailangan ko ang yakap mo'thalik. Ikaw na lang ang kalakasan ko. Sana'y hindi mo ako iwan."
"Hindi iyon mangyayari, Tevan. Hindi kita magagawang iwan sa mga sandaling kailangan mo ako."
Kamingdalawa lang ang nasa casa nila ngayon. Umalis kasi ang Mama niya upang bisitahin ang kamag-anak nila sa Tayabas. Kaya naman ilang araw akong mamamalagi rito sa tahanan nina Alfonso. Isang taon na rin ang nakalilipas nang mahanap ko ang pag-ibig ko sa piling niya.
Hinubad niya na ang kanyang camiso at ganoon na rin ang aking ginawa. Sabay rin naming hinubad ang mga pang-ibaba namin at inihiga niya ako sa kama saka hinalikan. Sinunod niya ang aking leeg habang hinihimas ang aking ari. Hinalik-halikan niya pababa ang aking katawan. Hanggang sa nagkaroon na ako ng tapang upang paligayahin ang taong ito nanagbibigay sa akin ng kaligayahan.
BINABASA MO ANG
Puesta Del Sol de Manila, 1945
Historical FictionNamuhay sina Estevan de Ramos at Alfonso Aboitiz sa panahon na kung saan ay itinuturing na isang mortal na kasalanan ang pag-ibig nila sa isa't-isa. Sa simula'y magiging maligaya naman sila. Ngunit hanggang saan ito patutungo? Magkakaroon ba sila ng...