Ikalimang Kabanata: El amor que pierde.
Natatanaw ko na ang aming hinaharap namin ni Alfonso. Ilang buwan na lang at sasapit na ang unang taon naming dalawa bilang magtrato. Nalaman na rin ni Papa ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Sa una'y hindi niya matanggap ang aming sitwasyon. Hanggang ngayon pa rin naman ay hindi pa rin kami pinapansin na dalawa ni Papa. Kahit si Senyor Valentino na ama ni Alfonso ay ganoon din ang pagtrato sa kanya. Tila hindi siya nakikita nito at panay na lang ang pag-iwas.
Labis naming ikinalungkot ang ganitong pangyayari. Alam naman naming mali sa mata ng ibang tao ang aming pagmamahalan. Ngunit nais ko lamang malaman nila na iniibig ko ang taong kasama ko sa mga sandaling ito at hawak ko pa ang kanyang kamay.
Nasa loob kami ng katedral ngayon at walang katao-tao. Kaming dalawa lang at magdadasal para sa lubusang pagtanggap ng aming mga ama sa aming pag-iibigan.
"Fonso, kung nais mo mang tapusin ang ating pagmamahalan ngayon, isumpa mo na ako sa dambanang ito."
Ang mga mata ko'y waring maluluha na dahil ako man ay hindi ko kakayanin na mawalay sa kanya.
"Bakit, Tevan, nagbago na ba ang iyong isip? Hindi mo na ba ako mahal?"
"Mahal na mahal kitang tunay. Kahit sa pagtulog ko sa gabi'y ikaw lamang ang namumutawi sa aking isipan."
"Gayon namang iniibig mo pa rin ako, huwag sanang magbago ang pagtingin mo sa akin. Hindi ko kakayanin, aking Tevan." Datapwa't may sakristan na nag-aayos sa altar, mas pinili niya pa ring yakapin ako ng mahigpit.
"Sa labas nitong katedral, kailangan mo akong hagkan." Mariin niyang saad sa 'kin. Ikinagulat ko iyon at napatigalgal na laman ako.
"Nahihibang ka na ba?" Gulat na gulat ko siyang tinanong. Waring wala na siguro siya sa kanyang sariling pag-iisip.
"Nahihibang? Sa'yo pa lang ako nahibang ng ganito. Kaya naman sundin mo ang nais ko. Kung hindi, akin nang tatapusin ang pag-ibig ko sa'yo." Tila sinusubukan niya ako.
"Maaari naman nating gawin 'yon ngunit hindi sa labas ng dambanang ito! Naiisip mo rin bang maaaring mali sa Poong Maykapal ang gagawin nating dalawa?"
Sa gulat ko na lang, hinila niya na lang ako palabas nitong simbahan. Tumigil na lang kami dito sa labas nito at magkaharap pa kaming dalawa.
"Tevan, tandaan mo ito. Hangga't nararamdaman ko ang pag-ibig na ito sa'yo, walang mali o masama sa pagmamahalan natin. Ito rin ay sinumpungan ng langit. Sadyang hindi lang matanggap ito ng lipunan natin, marahil ay magkatulad tayo ng kasarian at hindi magkakaanak. Ngunit sa mata ng Maykapal, tayo'y kanyang pinagpapala."
Papalapit na nang papalapit ang kanyang mukha sa aking mukha. At naglapat na lang ang aming mga labi. Wala na akong pakialam kung makita man kami ng mga taong dumaraan ngayon. Alam kong marami ngunit si Alfonso lang ang nakikita ng aking mga mata.
"Salamat sa lahat, Fonso."
"Mahal na mahal kita, Tevan. Kaya naman ako ang higit na nagpapasalamat."
Nakaakbay siya sa 'kin at normal lang naman ito. Kaya naman mas lalo pang lumuwag ang aking kalooban. Hindi ko na alam kung ano pa ang mahihiling ko bukod sa pagmamahal ni Alfonso. Wala na rin siguro dahil siya na rin ang naging buhay ko simula noong Mayo na kung saan ang hangin ay masarap damhin at una kong naramdaman ang pagmamahal sa 'kin ni Alfonso.
"Ano na ang pakiramdam mo ngayon, Tevan?"
"Sa totoo lang, napakasaya ko ngayon. Napakapilyo mo talaga, Fonso!"
"Pilyo? Alam mo namang hindi ako nagbibiro kanina. Nais ko lamang ipakita kay Papa kung gaano kita kamahal."
"Papa? Si Senyor Valentino?"
BINABASA MO ANG
Puesta Del Sol de Manila, 1945
Historical FictionNamuhay sina Estevan de Ramos at Alfonso Aboitiz sa panahon na kung saan ay itinuturing na isang mortal na kasalanan ang pag-ibig nila sa isa't-isa. Sa simula'y magiging maligaya naman sila. Ngunit hanggang saan ito patutungo? Magkakaroon ba sila ng...