Happy reading :)
-
My phone beeped countless times because of the notification that I was getting from our group chat. My elementary classmates were planning for a reunion. I am not in the mood to open my phone to reply to them, I will either leave them on read or I'll ghost them.
These are the side effects of the strum that I made when I was young. I became a wind.
The last reunion that they planned I felt so out of place. I thought it will be fun since we didn't see our faces for so long but I was wrong. I was there, but I felt like I was a wind. Ang lapit lapit nila sa akin pero hindi ko sila maabot. Para lang akong isang normal na bagay sa kanilang harapan, 'yung isang bagay na sanay silang makita na umabot na sa point na wala silang pakialam sa sobrang sanay nila.
They were exchanging words, stares, and laughs. I wanted to fit in but I was like a large puzzle in a group of tiny ones. Kahit anong gawin ko hindi ako magf-fit in.
"Morrie, tawag ka nila Narria!" sigaw ni mama sa labas. Bumuntong hininga ako dahil wala ako sa mood na makipagkita sa kanina. The memories of them leaving me behind flashed on my mind.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Naka-upo silang dalawa sa sofa habang hinihintay ako. Para silang matinong mga bata.
"Morrie, nakita mo ang chat ng president natin dati sa gc?" tanong ni Leih sa akin.
Of course, I saw it. Kaya nga naalala ko kung paano niyo ako iniwan para lang makisama sa mga kaklase natin dati.
Alam naman nila na hindi ako ganoon palaka-usap sa mga tao kahit na nakasama ko pa sila sa ilang taon ng buhay ko pero mas pinili nilang mag-enjoy ng hindi ako kasama.
"Tara bang sumama?" tanong ni Narria na hindi ko sinagot.
What for? For me to feel awkward again?
"Tara na lang magmeryenda sa labas. Lunes na naman bukas. Ayaw ko pang pumasok," sabi ni Leih na sinangayunan naman kaagad ni Narria.
Nagpaalam muna ako kay Mama bago ako sumama sa kanila palabas. Tahimik lang ako the whole time at sumasagot lang pag tinatanong nila.
"Kilala niyo ba yung banda na tumutugtog sa school? Crush ko si Levielle," sabi ni Narria na nakakuha ng atensyon ko.
"What band?" tanong ko dahil baka iyon ang grupo na kinaiinisan ko dahil minsang dadaan ako sa music room ay ang sakit sa tainga nung tugtog nila. Sabay sabay ang instrument pero wala sa tono. Nakaka-irita.
"Melodious Nirwayna."
So that was their band name. Melodious pero wala akong narinig na kahit anong kaaya-ayang tunog sa kanila noon. Sabagay hindi ko rin naman sila masisisi. Maybe they also strummed the wrong string that's why it created chaos. Sa kanila sa mga instrumento, ako sa buhay ko.
"Ang hilig mo! It's Nirwayna! Walang melodious! At saka feeling mo naman mapapansin ka no'n," asar ni Leih kay Narria habang nakikisawsaw sa sukang nasa cup na hawak nito.
"Bakit crush lang naman, ah."
"Crush ko lang din noon 'yung jowa ko ngayon pero tignan mo kami na."
"So, sinasabi mo na may chance kami ni Levielle?"
"Hindi. Pag si Levielle, hindi."
"Ang epal!"
"Nagsasabi lang ako ng totoo."
"Tignan natin. I will make him mine and if that happens libre mo ako ng isang buong cake."
"Game!"
Hindi ko kaklase sila Narria at Leih dahil base sa specialization namin ang magkakasection. ICT ako, si Narria, beauty care at si Leih naman ay sa cookery.
BINABASA MO ANG
Strums of Life
Teen FictionNirwayna Series: Levielle Eleanor | On-hold She loses motivation and stress flocks on her life. She wants to live a beautiful and peaceful life without getting confused on every strum she'll make and yet the faith was not her ally. Every decision i...