12

18 3 0
                                    

Happy reading :)

-

"Akala ko nakalimutan mo na," bulong niya habang nakatingin sa maliit na box na inilapag ko sa kamay niya.

Nang malaman ko ang birthday niya ay nag-isip kaagad ako ng pwedeng iregalo sa kanya. Maganda sana kung gitara ang maibibigay ko pero hindi kaya ng pera ko kaya wooden pick box na lang ang naisip kong iregalo sa kanya.

Hugis gitara ang pinakalagayan ng pick at nakaukit do'n ang pangalan niya, Levi. May tatlong pick na kasama 'yon. Pinalagyan ko pa ang mga iyon ng disenyo. Ang isa ay may last name niya, ang isa ay may ukit na pakpak kagaya ng nasa bracelet niya at ang isa naman ay may scannable spotify code.

"It's your day. How could I?" natatawa kong tanong. I purposely ignored the fact that it's his birthday last time. Plano ko sanang ibigay na lang ang regalo matapos nilang makuha ang champion sa competition kaso nga lang ay hindi kami pinalad.

No doubt, Nirwayna's good. Sadyang wala lang sa panig namin ang swerte.

The second place is nice.

"Levielle."

"Why?" Lumingon siya sa akin gamit ang inaantok na mata. Gusto kong haplusin ang mukha niya pero natatakot ako na maging awkward ang situwasyon naming dalawa.

"You did a great job. I am so proud of you."

Ngumiti ako at siya naman ay napaahon sa pagkakahilig sa akin. He looked at me and the shock was so evident in his eyes.

"Didn't I tell you that earlier?" medyo natawa kong saad. Ang cute ng ekspresyon niya. Matapos ang ilang sandali ay bigla na lang lumambot ang kanyang tingin.

"It's nice to know that someone's vocal about how proud they are to me."

I tilted my head and chuckled. Mukha siyang batang nakakuha ng mataas na karangalan.

"We are all proud of you," bulong ko.

Kinurot ko ang aking palad. Proud. I want my parents to be vocal about them being proud of me. Kahit ilang honors pa ang makuha ko parang wala lang din iyon kung hindi nila bibigyan ng atensyon.

Naririnig kong pinagyayabang nila sa kanilang mga kakilala ang matataas kong grado at kung paano ako nakakuha ng karangalan sa eskwela pero kailanman yata ay wala pang nagsabi sa akin na proud sila sa mga ginagawa ko.

Hearing those words will melt me and will definitely motivate me for the rest of my life.

Dumukot ako sa bulsa ko at saka pinakita sa kanya ang keychain na binili ko nung nagpasama ako kay Rhian sa bayan.

I opened my palm while the keychain's ring was hanging on my index finger. Isa iyong gitara na kamukha nung gitara niya.

"Freebie." Nakangiti kong inilahad sa kanya iyon. Hindi naman na siya nagatubiling kunin iyon sa kamay ko. "I hope you enjoy your day with me, with us."

Parang hindi niya narinig ang sinabi ko. Isinabit niya ang keychain kasama ang susi ng motor niya. Malaki ang ngiti niya habang nakatingin do'n. He looks so out of this word while smiling like there's no tomorrow. The keys made a noise when he put them back in his pocket.

"Salamat."

"Naman! Ikaw pa ba?" I wiggle my brows. Nahirapan akong mag-isip ng regalo. Mabuti nalang nagustuhan niya ang inihanda ko.

Humalakhak siya at saka ako pinitik sa noo.

"'Yung utang mo," saad niya. May pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

Strums of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon