Happy reading :)
-
"Pare, kinakabahan ako," saad ni Eros habang nakahawak sa dibdib niya. He exaggeratedly does the inhale and exhale.
"Gago, hindi ka naman mamamanhikan!"
"Kahit na!" sa inaakto nga ni Eros ay akala mong kabadong kabado siya. Paulit-ulit pa niyang ipinunas sa pants niya ang parang basang kamay.
A fast motorcycle dashed beside me. I felt Levielle's hand on the small of my back. Hinapit niya ang baywang ko palapit sa kanya.
Besides my fast heartbeat, I managed to utter my thank you to him.
Kanina ako ang nasa side ng kalsada dahil nagmamadaling akong mauna sa kanila. Kanina pa siya sa likod ko at alam kong naka-alalay siya pero ngayon ay pinalitan niya ako sa pwesto kong iyon. Naka-alalay pa rin ang kamay niya sa likod ko na hindi ko naman na mas pinagtuunan ng pansin.
"Good day po." Lahat ng tao sa bahay nila Asia ay binati na yata ni Zamira. Sumunod lang ako sa kanya ay ngumiti nang ngumiti para hindi naman nila isipin na attitude ako.
"Morrie, kanina ko pa kayo hinihintay," sabi ni Asia at saka iginiya kami sa isang table.
Kahit na busog ay kumuha pa rin ako ng mga pagkain. Kung kanina ay tipid ako sa pagkain ay mas tipid ako ngayon. Talagang gusto ko ang pastries ni Tita kaya gumagawa talaga ako ng paraan para magkaroon ako ng space para roon.
"Anak, mag-uwi ka na lang niyan sa inyo. Talagang ginawa ko 'yan para sa inyo e. 'Yung cheesecake nga ay ipapauwi ko na kay Levielle mamaya dahil hindi rin naman 'yan mauubos dito."
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Tita. Kung gano'n naman pala ay dapat dinamihan ko na ang pagkain kila Asia.
Hindi na rin naman kami nagtagal doon. Madami silang bisita at maraming inaasikaso pero nagawa pa rin naman nila kaming tugunan. Kami na talaga ang umalis dahil lumibot pa kami. Hindi na namin naisama sila Asia dahil dumating ang mga kamag-anak nila.
Gusto ko sanang sumakay sa rides sa plaza nila pero hindi pa nag-ooperate iyon dahil gabi nagbubukas ang mga ito. Sayang nga lang at hindi na ako aabot pa ng gabi rito. Kahit na gusto kong magstay at panoorin sila Levielle tumugtog ay hindi ko na magagawa dahil hanggang alas sais lang ang paalam ko kila Papa.
Kahit na nahihiyang mag-uwi ng pagkain ay kinipkip ko pa rin ang paper bag na inabot sa akin ni Tita nang pa-uwi na kami. Ako ang may hawak ng isang box ng cheesecake ni Levielle kaya hindi ko alam kung paano niya ito madadala mamaya kapag naihatid na niya ako.
"Ingat kayo!" kumaway sa amin si Zamira nang i-start na ni Levielle ang engine ng sasakyan niya. Hindi pa kami nakakaalis ay hinarap ako ni Levielle.
"Ayos lang ba kung dumaan muna tayo sa bahay?" malumanay niyang tanong. Hindi ko kita ang buo niyang mukha dahil sa helmet. Ang tanging nakalitaw lang sa kanya ay ang itim na itim at maamo niyang mata at ang maganda niyang kilay na talagang kahinaan ko.
"Oo naman." Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kinaya ang tinginan naming dalawa.
Ang ganda talaga ng mata niya.
"Bakit ang aga mo?" malumanay na tanong nung isang ginang sa bakuran nila. Sa hula ko ay ito ang Mama niya.
Nang tumama sa akin ang tingin niya ay malawak siyang ngumiti sa akin. Kumaway siya at saka ako pinapasok.
"Si Morrie po."
"Kaya pala pamilyar." Ngumisi ang Mama niya at saka siya dinunggol sa baywang gamit ang siko nito.
BINABASA MO ANG
Strums of Life
Teen FictionNirwayna Series: Levielle Eleanor | On-hold She loses motivation and stress flocks on her life. She wants to live a beautiful and peaceful life without getting confused on every strum she'll make and yet the faith was not her ally. Every decision i...