SIMULA
WALANG NARIRINIG na ingay, tahimik ang paligid at tila'y may nagmamatyag sa bawat galaw na ginagawa nila sa loob ng isang malaking balay na kanilang kinatatayuan.
Mayroong kakaiba at 'di maipaliwanag na pakiramdam na bumbalot sa paligid ng tanging lugar na naglalayo sa kanila mula sa mundo ng sangkatauhan, ang lugar na ito ay tinatawag nilang Kahangturan.
Kakaiba at tila walang maririnig na ingay ng mga hayop sa paligid, ni tunog ng kuliglig at mga huni ng ibon ay hindi man lang nila maring.
Banayad at malamig ang simoy ng hangin ngunit ganoon din ang tagaktak ng pawis na animo'y mga kabayong nag-uunahan sa pagbaba sa noo ng bawat isang bata't mga Babaylan sa lugar na kanilang tinatapakan na hindi saklaw ng kaalaman o kamalayan ng mga pangkaraniwang tao sa kabilang mundo.
Liwanag ng buwan ang siyang nagsisilbing ilaw. Para sa iba iyon ay nakakamangha sapagkat sa gitna ng dilim, ang natatanging buwan ang siyang gumagabay upang mahanap ang daan ng mga nawawala. Ngunit sa pagkakataong ito, kanila iyong ikinakabahala.
Simula noong binasbasan ng tatlong Diyosa sa Kaluwalhatian na mga anak ni Bathala ang lupain ng bagong simula para sa mga pinili, ang mahikang naghahati sa mga tao at mga mangagamot ang naging simula ng kapayapaan sa kanilang pamumuhay subalit iyon ay may kapalit.
Pagsumapit ang ikatlong pag-iisa ng buwan at araw sa gabi sa bawat isang siglo magbubukas ang lagusan sa kanilang mundo at maaari na silang matuklasan at mapasok ng mga tao.
"Igue ano ang nangyayari? Hindi ba't ngayon ang nakatakdang pagsupil sa atin ng mga tao? marami rin sa atin ang nagkaroon ng mga pangitain. Hindi maaring magsinungaling ang balintataw ng mga taong katulad natin. Iyong sinasabi na napatunayan ito sa libro ng propesiya hindi ba? Anong oras lamang simula ngayon maari na tayong pasukin ng mga taong nagaaklas at naimpluwensiyahan ng kapangyarihan ng mga dayuhang mananakop."
Tanong ng isa sa mga Babaylan na nagmamatyag at sumisipat sa galaw ng kung sinuman sa dilim ng kapaligiran na kanilang binabantayan habang naghahanda sa paglusob. Bakas ang takot at pagaalala sa kaniyang tinig at mukha.
Ang mga Asog sa kanilang lipon ay nagkumpulan at nagkubli sa mga matataas na puno sa paligid ng punong balay ng mga Mata, ang kaharian sa gitna ng Kahangturan. Ito ang pinakamalaking balay na yari sa bato at may kakaunting pagkakahawig sa mga malalaking bahay sa mundo ng mga tao. Dito silang lahat nagpunta dahil alam nilang hindi sila maaring maghintay sa kaniya-kaniyang balay sa bawat purok ng Kahangturan.
Hawak-hawak ng mga Asog ang mga kampilan, sibat at mga pana upang tiyakin na hindi makaka-abante ang unang magsisimula sa pagsugod. Alam nilang hindi sila magiging ligtas sa pamamagitan ng kanilang mga dasal lamang kung kaya't pinaghandaan nila ito sa pamamagitan ng pagdadala ng mga armas at pag-aaral sa pakikipaglaban.
"Natunton na nila ang kaharian, Nandito na sila! Silya patatagin ang orasyon sa panangalang!"
Kalmado ngunit seryosong sambit ng isa sa mga pinakadakilang Heron o ang Punong Asog na pinili ng mga diyos at diyosa na mangasiwa sa kanilang sinasakupan. Kaniyang hiniling at hiningi ang tulong ng mga diyos sa kabilang mundo upang maging matagumpay itong pagpapatayo nang hindi nalalaman ng mga mapangahas na mga tao. Ang mga batang hindi pa naaabot ang kasibulan ng kanilang kapangyarihang taglay ay hindi matigil sa paghikbi at ganoon din sa pagdarasal sa lahat ng Diyos at Diyosa sa Kaluwalhatian sa abot ng kanilang makakaya.
YOU ARE READING
Siraya
FantasyNayon ng Barasan, pook na naging simula ng kaniyang paglalakbay. Ang tumunghay sa pagsibol ng kaniyang kapangyarihan at ang tahanang ni minsan ay hindi niya ninais na lisanin. Takot ang siyang madarama sa pagtuklas ng mga bagong bagay na hindi kapan...