Kabanata 3 : Gampanin

28 7 0
                                    

KABANATA TATLO

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KABANATA TATLO

- Gampanin



KANINA pa sinusuyod ni Dayani ang kaniyang paligid, siya ay kasalukuyang nasa tahanan ng Datu. Hindi niya maipagkakailang napakaganda ng pagkakagawa ng mga bagay sa paligid, tila ngayon lamang siya nakakita ng mga gano'ng kagandang bagay sa tanang buhay niya. Bawat bagay na madapuan ng kaniyang tingin ay kakaiba't nakakamangha.

Kahit na isa sa mga tao sa kanilang Nayon ay hindi pa nakakapasok kailanman sa kung saan siya ngayon naroroon dahil kapag may suliranin sila, idinudulog nila ito sa Atubang na siyang tagapayo ng kanilang pinuno. Sa kabila ng ganitong gawain taglay na mabait ang kanilang pinuno sa lahat ng kaniyang nasasakupan.

Nakarinig siya ng mga yapak, hudyat para siya ay tumuwid sa kaniyang pagkakaupo at sinalubong ng tingin ang mga dumarating na panauhin. Ngumiti siya ng pilit sapagkat batid niyang nakakagulat ang daloy ng mga pangyayari at naisin niya mang maging mahinahon mas lamang ang kaba na kaniyang nararamdaman.

Hindi nila inaasahang lahat na ang isang babae na naglilingkod at siyang nagligtas ng buhay ng isa sa kanilang pamilya, ang siyang magiging pinili ng mga Diyos at Diyosa upang paglingkuran ang kanilang Nayon.

"Magandang umaga, mahal na Datu aking ikinagagalak na ika'y mapagmasdan at makausap." tanging na usal ng daraga sa harap ng mga panauhin kung nasa'n ang Datu habang nakayuko.

Tumango lamang ang Datu at tumalikod na. Hanggang sa ngayon ay naninibago siya sa turing sa kaniya ng kanilang pinuno. Hindi na ito tulad ng mga nakaraang mga araw na papapuntahin siya sa harap ng kanilang tahanan upang makatikim ng kaniyang mga inilalako.

Ang mga mata ng Datu ay puno ng lungkot at pagkalito.

"Daragang Dayani, halika tayo'y magtutungo sa silid-pulongan." malumanay na tawag ng Atubang sa kaniya at nag-umpisa na ring maglakad kasama ang dalawa pang lalaking madalas niyang makita kasama ang Datu.

Hinay-hinay siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at sumunod sa mga matataas na namumuno sa kanilang Nayon. Paunti-unting na niyang nararamdaman ang kaba at mas dumarami ang laman ng kaniyang isip. Hindi rin siya mapalagay dahil sa mga panauhing kasama.

'Ganoon na nga lang ba talaga kabigat ang aking magiging katungkulan sa aming Nayon kagaya ng tinuran sa akin ni Atubang kagabi?'

Naglalakad lamang siya at hindi napapansin ang kaniyang nilalakaran at patutunguhan. Ang mga bulungang mas maingay pa sa mga pukyutan, ang mga tao sa labas ng tahanan ng datu ay naghihintay at naguusap upang ihayag ang kaniya-kaniyang mga kuro-kuro sa kung ano ang mangyayari sa kaniya.

Hindi niya namalayan na nakapasok na siya sa tinatawag na silid-pulongan kung saan nagaganap lahat ng pulong na ginagawa ng Datu at ang mga humahalili sa kaniya.

Umupo siya sa harap ng apat na lalaki sa kaniyang harapan. Namumukhaan na niya ang dalawang lalaki, sila ang Punong-Panday at ang Punong-Mandirigma na ilap na nagpapakita sapagkat sila ay malapit sa Silangang parte ng Nayon kung nasaan naroroon ang malapit na kuweba at nageensayo ang mga mandirigma sa loob ng kagubatan.

SirayaWhere stories live. Discover now