Kabanata 4 : Tiwala

30 5 2
                                    

KABANATA APAT

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KABANATA APAT

- Tiwala



TATLONG araw ang nakalipas matapos ang tagpong iyon na naging umpisa ng panunumpa ng kaniyang katapatan sa kaniyang mga kapwa taga-Nayon ngunit may mga hawak na matataas na antas sa pangangalaga at pangangasiwa na nasa kaniyang gilid at mga tao na tinitingala siya hindi na lamang bilang isang pangakaraniwan ngunit kakaibang Daraga ngunit bilang bagong kasapi ng nangangasiwa ng Nayon.

Simula no'ng malaman niya ang mga 'yon mula sa kanilang Pinuno hindi na siya nagatubili pang maging walang alam sa kaniyang paligid parati nitong iniisip kung ano nga ba ang dapat niyang gawin upang siya'y maging isang magaling na tagapamahala.

Hindi na nawalay sa kaniyang tabi ang Atubang na siyang nagsisilbing guro niya sa pagkakaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga bagay na nais niyang matutunan. Kaniyang itinuring na isang pagsubok ang kaniyang katayuan upang siya'y magtanda at matuto sa kaniyang mga balakin.

Nakarating sa pamilya niya ang mga pangyayari, nabahala sila kung kaya't kanilang ipinadala si Ibod sa pusod ng Nayon upang makausap ang kaniyang ate at maghatid ng balita sa kaniyang Itay at Inay. Lubhang nagaalala ang dalawa para sa kaniyang kalagayan. Ngunit sa kabila ng kaniyang pagdayo ay hindi nito nahagilap ang kaniyang Ate na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Atubang.

Lumabas siya sa balay na kaniyang tinutuluyan sa Nayon malapit sa Balay ng Datu at nagpahangin. Dinama nito ang simoy ng hangin habang tinitignan ang kalangitang 'di maabot-abot ng kaniyang mga kamay at para lamang sa pagtanaw. Umupo siya sa may papag at tinanaw naman sunod ang mga taong binabati siya't nginingitian siya. Ang saya sa kanilang mga itsura ay isa sa mgapaborito niyang tanawin.

May lumapit na bata sa kaniya, nginitian niya ito ngunit nahihiya itong yumuko. Magka-edad lamang sila ni Ibod sa kaniyang palagay. Habang lumalapit ang bata at tumitingin ito sa kaniyang likod ang kaniyang ina na naghihintay sa kaniya habang iginagaya nito na magpatuloy ang anak niya sa paglapit. Ang mga hakbang niya'y maliliit at lubhang makupad at napansin nitong may hawak ito sa kaniyang likod na hindi niya makita.

"M-Magandang araw po! N-Nais ko lamang pong ibigay sa inyo ang mga bulaklak na itong nakuha ko malapit sa ilog." nakayuko nitong sambit sa kaniya nang nakangiti.

'Si Inay naman kasi, ang kulit eh' bulong pa nito.

Napangiti siyang muli at natawa.

"Para ba talaga sa akin itong mga Mirasol, Ilaya?" tanong nito sa batang babaeng lumapit sa kaniya.

"ANAK NGUMITI KA NAMAN KAY DAYANI!" Sigaw ng Ina niya sa 'di kalayuan, tumalikod naman ng tingin ang bata at pinandilatan ang ina nito na nakangiti pa rin at nangingiti na ang iba nitong kasama.

"O-Opo, pagpasensiyahan niyo na lamang ang Inay ko, sadyang ganoon lamang siya sa tuwing kaniya akong inaalala." napakamot na lang ito sa kaniyang batok habang dahan-dahan sa pagtalikod at kumaripas ng takbo at yumapos sa kaniyang Ina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SirayaWhere stories live. Discover now