Ako si Anjo, una kong palayaw
Natuto sa mga pambatang kanta at sayaw
Sa paglalaro'y hindi umaayaw
Masaya sa buhay, hindi sa layaw
Ako si Jose, bahagyang namumulat ang kamalayan
Sa mga bagay bagay ay nagkakaroon na ng kaalaman
Pagkukumpara sa tama at mali ay natututunan
Pinipili ang kabutihan laban sa kasamaan
Ako si MakatangDiNaman, nabatid maglaro ng salita
Binuhos and nadarama sa pagkatha
Nagmahal, nasaktan, tumula
Dinaan sa salita ang hindi kaya sa gawa
Ako si Juju, patuloy na nagbabago
Pagkakakilanlan ay patuloy na binubuo
Hanggang ngayo'y binabatid ang pagkatao
Ngunit hindi tumitigil sa pagpapakatao