Ubos na ang mga salita
Pangarap ay pinalaya
Inihandang mga katha
Nauwi sa pagpapaubaya
Patawad kung natakot
Pangamba ang dahilan
Sa sikreto'y nabalot
Nadarama'y hindi napakawalan
At kung siya ang 'yong kasiyahan
May magagawa ba ako?
Marka ng sakit sa kasalukuyan
Mahirap maitago
Oras na nilapat
Boses na malat
Hindi naging sapat
Damdaming tapat
Masaya ako na masaya ka na
Ngunit ang sakit lang makita
Na ang aking pinapangarap
Kasama na ang kaniyang hinaharap