Maraming magaganda na nasa paligid
Ito'y hindi na bago
Ngunit sa mundo'y may umaaligid
Upang tingnan ang hindi maganda sayo
Kulay? Pisikal na anyo? Kasuotan? Katangian?
Kailangan bang magkaroon ng pamantayan?
Kung mayroong kulang, madalang pakinggan
Isinantabi ang kaalaman ng dahil sa kapintasan
Sila'y mga tao rin, hindi ito maitatanggi
Sila'y mga tao rin, sila'y ating maitatangi
Hindi mapapansin ang kagandahan sa biyahe
Kung ang tuon lagi ay nasa imahe
Masyado nang sumosobra
Tama na ang pamumuna
Hindi mo ikinaganda
Ang pagpansin sa pangit ng iba