Kung Ito man ang Huling Tula

7 1 0
                                    


Kung ito man ang huling tula na aking maisusulat

Kayo'y naging malaking bahagi

Madalas mang sa kaisipa'y salat

Siya paring bukod tangi


Kung ito man ang huling tula, salamat sa pakikinig

Ako'y isang halaman at kayo ang nagdilig

Inaalam ang mga ayaw at hilig

Na siyang nagbigay ng kulay dito sa daigdig


Kung ito man ang huling tula, patawad kung susuko

Huling tinta sa pluma'y hindi na maitulo

Paumanhin kung hindi naiabot kung hanggang san gusto

Naubusan na ng langis ang inihandang sulo


Kung ito man ang huling tula

Hindi dahil sa paghinto

Ito'y handa sa sunod na pahina

At simula sa panibagong libro


Humina man sa katha

O mabusan ng rima

Patuloy parin sa paggawa

Gamit ang makapangyarihang mga salita

Tula (2021)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon