*WMCMMIP: Wrong Belief (WB)*

110 11 0
                                    

Princess's POV

Lumayo ako kina Kuya para sagutin ang phone ko.

[Babe, how are you?]

"I'm fine. 'Di ba may pasok ka ngayon? Bakit nakakatawag ka sa'kin? Tinakot mo na naman ba ang president niyo?" Hanga din ako sa boyfriend ko. Gagawin niya ang lahat para makausap at makasama niya lang ako kahit takutin niya pa ang class President nila.

[H-hindi ah. Kasi ano..hmm...kasi...'yung teacher namin lumabas. Kasi natatae daw siya...oo tama lumabas siya kasi natatae siya.]

Natawa na lang ako sa dinahilan niya. Niloko pa niya ang teacher niya. Alam kong isa siyang gangster, pero gusto ko pa rin na maging mabait siya... kahit paminsan-minsan lang.

"Hahaha! Sige, naniniwala ako sa'yo. Grabe ka naman. Gagawa ka na lang ng palusot dinamay mo pa ang teacher mo. Bakit ka pala napatawag? May nangyari ba diyan? Musta na sina Ate Eight, Ate Five, Kuya Six at Kuya Seven?" Bakit nga kaya siya napatawag? Sana walang nangyaring masama.

[Para kamustahin ka.]

"Okay lang ako. Don't worry about me."

"Cheers!!" Ano ba 'yan?! Kahit ang layo-layo ko na naririnig ko pa rin ang ingay nila.

[Ang dami mo pa lang kasama diyan. Akala ko 'yung Kuya mo lang tsaka sina Carl, Joshua at Red?]

"Oo nga. Sila lang nung una pero may dumating pang anim. Nakakainis nga eh."

Naglakad ako ng  mas palayo sa kanila. Nagpunta ako sa garden ng resort at umupo ako sa ilalim ng puno. Ang ganda dito. Napakaraming flowers.

[Pwede ba 'kong pumunta diyan?]

"Hindi pwede. May studies ka pa." Pagtanggi ko. Ayokong mapabayaan niya ang pag-aaral niya dahil lang sa'kin.

[Ang daya naman. Ikaw din naman may studies pa ah? Pero nung sinabi mong pupunta ka diyan pinayagan naman kita. Bakit ako ayaw mo 'kong payagan? Promise magbebehave ako.] Parang bata niyang sabi.

"Hindi talaga pwede. Next time na lang. 'Pag wala ka ng pasok. Bakasyon pwede tayong pumunta dito kahit tayo lang dalawa."

Ayokong makita niya si Kent. Baka magkaroon ng malaking gulo. Galit pa naman 'yun kay Kent.

[Ang daya mo naman.]

"Sorry hindi talaga pwed---" Naputol ang pagsasalita ko ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Hinahanap ka na nila do'n. Kumain na daw tayo." Walang emosyon niyang sabi. Boses pa lang alam ko na kung kanino. Kay Kent.

[Kaya pala ayaw mo 'kong pumunta diyan kasi may Kent kang kasama. Magsama kayo.]

"Babe, hindi naman sa ga---"

*toot toot toot*

Kasalanan 'to ni Kent!! Tumayo ako at humarap sa kanya.

*Blag!*

"F*ck!* mura niya

Sinuntok ko siya ng malakas sa mukha at pinadyak sa ow-so-ouch na part niya dahilan para mawalan siya ng balanse at matumba. Namilipit siya sa sakit habang nakahawak sa ow-so-ouch na pinadyak ko.

"Buti nga sa'yo. Deserve mo naman 'yan." Mataray kong sabi at naglakad na ako palayo sa kanya. I need to stay away from the casanova.

Carl's POV

When Mr. Casanova Meets Ms. Ice Princess [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon