*WMCMMIP: 3 Words 8 Letters [The Password] (3W8L)*

79 12 0
                                    

Third Person's POV

Monday

"May pasok na naman." Mahinang sabi ni Sapphire at bumangon na mula sa pagkakahiga.

Maaga siyang papasok ngayon dahil may kailangan siyang hiramin na libro sa library na kailangan niya sa kanyang mga gawain sa school. Tinatamad kasi siyang magdala ng books.

**

Nang nasa school na siya, doon naman siya tinamad humiram ng libro sa library. Tamad talaga.

"Magpapagawa na lang ako." Mahina niyang sabi at humanap ng isang estudyante na mukhang matalino. At nakahanap naman agad siya. May nakita siyang nerd as in nerd na weird. Halata kasing libro lang ang kaibigan. Hinila niya ito at isinandal sa pader ng hallway kung saan siya naglalakad kanina. Wala pang masyadong estudyante ngayon dahil maaga pa.

"B-b-b-bak-kit p-po?" Nauutal na tanong ng nerd na halatang takot na takot sa kanya.

"Gawin mo ang mga assignments ko. Dapat bago mag-umpisa ang first class ko tapos ka na. 'Wag kang mag-alala, 10 pa lang ang pasok ko. May 3 hours ka pa." Nakangiti niyang sabi at ibinigay do'n sa nerd ang mga assignments niya. Pero walang bahid ng sinseridad ang ngiting iyon. Kinuha naman ito ng nerd dala ng takot. Hindi na ito nagsalita at nagmadaling umalis.

"Saan naman ako pupunta?" Nakangiti niyang tanong sa sarili. Masaya siya ngayon dahil wala na siyang gagawin pa.

Sapphire's POV

"Hey girls! Let's go!"

"Nandito daw ang Hoties!"

"Inaaway nila si Ivy!"

"Manood tayo!"

"Kawawa daw si Ivy eh! Pinagtutulungan!"

Pagkarinig ko sa pangalan ni Ivy at ng Hoties ay hindi na 'ko nag-atubiling magtanong sa mga nagtatakbuhan. Hinila ko ang isang babae at isinandal sa pader. Tinignan ko siya gamit ang nagyeyelo kong tingin at bigla naman siyang nanginig at pinagpawisan.

"Where?!" Pasigaw kong tanong.

"H-hah?" Nauutal siya na para bang takot na takot.

"Slow! Nasaan sila?!" Sigaw ko uli.

"S-s-sa f-f-field." Nauutal niyang sagot.

Binitawan ko na siya at agad na tumakbo papunta sa field. Gusto kong panoorin kung paano manakit ang Hoties. Gusto kong malaman kung malakas sila o kung sa pang-aakit lang sila magaling.

Pagdating ko sa field nadatnan ko naman ang mga nagkukumpulang mga estudyante. Nang makita nila 'ko, nagbigay sila ng daan sa'kin para makita ang nangyayari sa gitna. Nakita ko naman si Ivy na nakahiga at 'yung isang member ng Hoties ay hawak ang buhok niya. Nakadapa ang siya pero 'yung ulo niya nakaangat sa lupa. Si Patricia nasa harapan ni Ivy at bigla kong naikuyom ang mga kamao ko ng makita ko siyang sampalin ito. Ang ayoko sa lahat ay ang nananakit ng inosente at mahina.

Naglakad ako palapit sa kanila ng nakacross arms. Kailangan hindi ko ipahalata na tinutulungan ko si Ivy. Baka isipin niya espesyal siyang tao. Sadyang mahina lang talaga siya.

"Alam niyo? Ang sakit niyo sa mata." Naiinis kong sabi at tinignan ko ng matalim si Patricia.

"Hindi porque ikaw ang diyosa ng Gangster World e hindi na kita papatulan. Tandaan mo, pareho lang tayong tao." Nagmamatapang na sabi ni Patricia. As if naman mananalo siya sa'kin.

When Mr. Casanova Meets Ms. Ice Princess [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon