second reason

19 0 0
                                    

Pagkapasok na pagkapasok namin ni mama sa bahay ay tumambad na agad samin ang galit na mukha ni papa.

"SAAN KA NANAMAN BA NANGGALING CLAY??! WALA KA NG IBANG GINAWA KUNDI PASAKITIN ANG ULO KO PATI NA NG MAMA MO!!!"

"Nag text naman po ako kay mama, papa. Tyaka sina ada at bridge lang naman po ang kasama ko "

"UMAKYAT KA NA NGA SA KWARTO MO AYOKONG MAKITA YANG PAGMUMUKHA MO NGAYON."

"o-opo papa" humalik na ko kay mama pati na rin kay papa pero iniwas niya ang pisngi niya. Sana kasi ay magawa kong maalala ang nakaraan na naging sanhi kungnbakit ganto na ang pakikitungo sakin ni papa. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Pinunasan ko ito bigla dahil pakiramdam ko di ako karapatdapat umiyak dahil sila ang sobra kong nasaktan

Umakyat na nga ako saaking kwarto umupo saaking kami at pilit na inaaalala ang nakaraang dapat nga bang balikan?

Maraming tanong ang bumabagabag sakin . Tulad ng bakit ayaw sabihin sakin nina mama at papa ang nangyari dati saakin? Ano ba ako dati ? Mabait ba ? Tulad ba ng pinapakita ko ngayon o isang suwail na anak noon?
Nauwi na lamang sa pag tulog ang aking pag iisip at nagising ako sa ingay na narinig ko galing sa kwarto nina papa . Dahandahan akong lumabas sa kwarto at pinakinggan ang bawat salitang binitawan ni papa kay mama.

"Ng maka aksidente yang anak mong si clay nawala na ang pagmamahal ko sakanya! Alam mo kung anong klaseng anak si clay dati diba ! Di ko nga alam kung bakit ganoon ang pinapakita niya dati ! hindi naman tayo nagkulang sakanya , siya ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito Deianne ! "

"Pero Savin anak mo pa rin siya , dapat tayo ang magpasensya sakanya at simula naman ng mawala ang kanyang alaala ay naging mabuting anak na siya , nagbago siya Savin ."at narinig ko pa ang mga hikbi ni mama na naging sanhi ng lalong pagtulo ng mga luha ko .

"Nagbago siya ng dahil nawala ang kanyang alaala eh pano kung hindi iyon nawala magbabago pa rin ba siya?! Deianne simula ng nangyari ang aksidente tinuring ko ng matagal ng patay si clay kahit nakikita ko siya di ko maiwasang magalit sa anak mong yan! "

"Anak natin Savin , dapat tayo ang magturo sakanya ng nararapat , kaya siguro siya naging ganoon ay dahil sa masyado tayong nakatututok sa ating negosyo. Simula ng ako ay nanatili nalang sa bahay na ito nakita ko ang saya ng dalawa nating anak. Kung tutuusin ay baka tayo pa nga ang may kasalan kung bakit naging ganoon ang anak natin dati" pagtatanggol sakin ni mama. Naramdaman ko ang panginginig ng aking tuhod na naging sanhi ng aking pagkabagsak at ng pagkasagi ko sa isang picture frame na nag lalaman ng larawan ni mama. At bumukas ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito clay diba dapat ay tulog ka na sa mga oras na ito!!!!"sigaw ni papa. Tumayo ako at agad agad na niyakap si papa. Ngayong alam ko ng nasaktan ko pala sila dati ay lalo akong nalugmok sa sakit na aking nararamdam. Higpit ng yakap ang ipinadama ko kay papa .

"Ano bang ginagawa mo?! sa tingin mo ba ay mapapatawad kita sa lahat ng ginawa mo noon sa pamilyang ito?!" Pilit niya akong tinatanggal sakanyang bisig at nakita ko na rin si ate na lumabas ng kwarto at mistulang namamaga ang mga mata galing sa pag iyak.

"Pa i'm sorry sa kung ano mang nagawa ko noon dati . Sisiguraduhin ko pong hindi na iyon mauulit pa. " sabay non ay isang malakas na sampal mula kay papa. At ang malakas na pagtanggal niya ng aking mga kamay mula sakanya mga kamay. Naitulak niya ako at naramdaman kong nauntog ako sa pader .
Di ako makapag salita sapagkat naramdaman ko ang sobra sobrang sakit mula saaking ulo. Napapikit ako at pilit na bumabalik na saakin ang nakaraan.

Si papa agad ang nakita kong alaala at ang kanyang secretary na nakikipaghalikan sakanya. Si mama paparating at hinila ko upang di niya ito makita.

The reason of everythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon