Meet Clay Mendrez

22 0 0
                                    


Clay's picture ^^^^^^^^^^
-------------------------------------------------------------

CLAY'S POV:
"Pa i'm goi..." ng putulin agad ni papa ang bati ko sakanya " wag ka nanaman gagawa ng kalokohan Clay Mendrez ," seryoso niyang sabi . "alalahanin mo isa kang Mendrez . maimpluwensya ang pamilya natin huwag ka nanaman gumawa ng mga kalokohang maaring makasira ng reputasyon ng pangalan natin." naramdaman ko ang paghawak sakin ni mama at bahagyang ngumiti. "o-opo papa."

at umalis na ko para pumasok sa university . araw araw kong naririnig ang mga ganung salita ni papa . di pa rin malinaw sakin kung bakit di ko maramdaman ang pagmamahal sakin ni papa. ang tanging dahilan lang daw kung bakit naging ganito raw ang pakikitungo sakin ni papa ay ang isang mabigat kasalanang nagawa ko . hindi ko nga rin maalala ang kasalanang iyon eh. at sa tuwing pinipilit ko itong maalala ay sumasakit ang ulo ko.

"kleng , nak nandito na tayo sa school mo" sabi ni mang Ben. "ay nako salamat po , pasundo nalang po ng mga 7 pm sa greenwhich kakain po kasi kami ng mga kaibigan ko".

"ah sige ineng , sabihin ko na lang sa mama mo" at tuluyan na ngang umalis si mang ben.

"kleng !!!!!!!!!! " hay ang aga aga ang lalakas ng boses ng mga kaibigan ko . at agad agad akong niyakap. "heh tigil nga !!! " at sabay sabay na kaming nagtawanan.

"uhm guys magttreat ako sa greenwhich later " sabi ko sakanila. kaya naman natuwa ang mga kaibigan ko. tatlo kami si ada at bridge simula gradeschool ay kasakasama ko na sila. 2nd year college na kami , 18 years old sila nag debut ako hindi sayang lang daw kasi ang pera sabi ni papa. pero sa aming dalawa ng kapatid ko ako ang hindi nakaranas ng debut. si ate? ipinagmamalaki ni papa yun. tyaka di kami close ni ate. maraming nangyayari sa bahay na di alam ng mga kaibiagan ko. nagpapakatatag lang naman ako. ayoko ng mukhang kawawa at lalong lalo na ang kaawaan nila. sabi ni mama kahit daw pasaway ako noon ay masaya ako. gusto ko ibalik yung dating ako pero parang may pumipigil sakin. kaya isasakripisyo ko nalang ang pansarili kong kasiyahan para maipagmalaki rin ako ni papa.

"sige ba kleng !!! :)) " sagot ni bridge.

"or dun nalang tayo sa restaurant ng kaibigan ng pinsan ko . nakatikim na ko dun at mukhang masarap. " aya ni ada. " sige pwede naman . tetext ko nalang si mang ben at mama" pagsasang ayon ko .

"kita nalang tayo sa pergola mamaya ha? " sabi ko. "okay!! " sagot naman nung dalawa. magkakaiba kasi kami ng kursong kinuha. ako legal management , si bridge naman tourism at si ada dentistry naman.

gusto ko maging abogado balang araw at ipapangako ko na hindi ako yung kakampi sa mga mali na katapat ay pera para maipagtanggol ang masasama . para wala ng mabiktima ng social injustices.

sana di ko rin mabigo si papa .

The reason of everythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon