Nakalabas na ako ng hospital at dito muna ako pinagstay ni ada sa bahay ni kuya demere. Sobrang laki ng bahay ng lalaking yon kaya ngayon nasa may pool side ako. Hindi pa rin magaling ang sugat sa ulo ko. May bandage pa rin ito hanggang ngayon.
"Huy! Ang lalim ng iniisip mo ah" si ada pala.
"Andito si bridge nasa loob nga lang , andun kasi si kuya alam mo na crush niya yun eh. Tara puntahan na natin siya."
Pagkapasok namin nakita agad ako ni bridge. At patakbong pumunta sakin at yumakap.
"I heard what happened clay. Bakit di mo naman ako tinawagan , si ada lang . Pero okay na yun atleast ok ka na . "
Umalis naman ang pinsan ni ada pero tiningnan niyo ako na parang kinamumuhian niya ako . Ano ba ang nagawa ko sakanya kung yung sa restaurant lang naman yun parang sobra sobra naman ata ang galit niya sakin. Wala na atang ako matinong gagawin sa buhay.
"Uy ada thank you pala sa pagpapatuloy sakin dito." Sabi ko. Wala naman akong ibang mapupuntahan.
"Bridge samahan natin si clay humanap ng apartment."
"Hindi na kailangan pwede siya sa condo ko may dalawang rooms naman dun. Tyaka kasama niya ako dun pero next week pa siya pwedeng tumuloy kasi andun si ate. Eh next week pa ang balik niya sa New York.kung pwede dito na lang muna siya sainyo for a week."
"Nako hindi na hahanap nalang ako ng apartment . Sobrang nakakahiya na sainyo . "
"no clay , you are staying here . Hindi ka namin pababayaan"tutol ni ada. Nagpaapasalamat naman ako kasi may mga kaibigan akong ganto.
Kring kring
Tumatawag si mama sakin. Sumenyas ako sa dalawa kong kaibigan na umalis na muna. Kaya naman pumunta ako ulit sa may pool ."Hello ma.."
"Anak .. ok ka na ba ? Naiintindihan ko ang pag alis mo anak. Bibigyan ko si ada ng 100,000 para sayo anak kasi pag nalaman ng papa mo na binibigyan pa kita lalo lang tayong mawawalan ng komunikasyon.."
"Ok lang po ma kahit ito na ang huling pagbibigay niyo ng pera . Mag aaply nalang po ako ng trabaho. " tumulo nanaman ang mga luha ko di ko aakalaing kayang gawin ni papa sakin to."ma nagbalik na nga pala yung ibang alaala ko. Alam ko na kung bakit ako naging ganoon dati ma. Pwede ba tayo magkita bukas ng umaga sa school namin?"
"Oo naman anak." At naririnig ko ang pag iyak ni mama."mahal na mahal kita anak wag mong kalimutan yan ah . Kahit ano pa man ang mangyari anak ."
"Mahal na mahal din kita ma. Salamat sa hindi psagsuko sakin. Aantayin kita bukas ma." At pinutol ko na ang tawag.
Pag talikod ko ay naroon ang pinsan ni ada na si kuya demere. Kaya naman pinunasan ko afad ang mga luha ko.
Lumapit ako sakanya." Salamat nga pala sa pagpapatuloy sakin dito " kahit di naman niya ako pinapansin.
Pumasok na ulit ako sa loob at nadatnan ko na naguusap ang dalawa kong kaibigan.
"Uy bridge , ada baka naman may alam kayong pwede kong pasukan ayoko kasing maobliga si mama na padalan pa ako . Alam ko naman na pagababawalan siya ni papa na padalan ako ng pera buwan buwan. Kaya kung may alam kayo ----"
"Dun sa restaurant ko. Pwede ka dun . Naghahanap kami ng bagong waitress dahil tinanggal ko yung isa kong empleyado. Tyaka pwede ka ring maging kasambahay dito paglilinis at pagtulong lang sa pagluluto ang ginagawa dito."
"Kuya ! Si clay may pinag aralan yan parehas kami ng pinapasukan ng university , mataas ang kalidad. Hindi siya pwedeng maging kasambahay at waitress lang . " pagtatanggol sakin ni ada.